Atong Ang nagsalita na ukol sa viral photo nila ni Gretchen Barretto na magka-holding hands - The Daily Sentry


Atong Ang nagsalita na ukol sa viral photo nila ni Gretchen Barretto na magka-holding hands



Nagsalita na ang business tycoon na si Atong Ang sa isang exclusive interview ni Noli De Castro sa TV Patrol tungkol sa kumalat na larawan nila ni Gretchen Barretto na magka-holding hands habang natutulog sa loob ng eroplano.
Viral Photo of Gretchen Barretto and Atong Ang / Photo from PEP

Ipinaliwag ni Atong ang rules umano sa family ni Gretchen at kinakasama nitong si Tonyboy Cojuangco.

"Ito kasi ang rules nila Tony sa family nila. Sabay silang nagta-travel, pero magkahiwalay lagi ng eroplano, kasi iisa ang anak nila. Baka madisgrasya… baka may mangyari sa isa kaya laging hiwalay,” paliwang ni Atong.



"Si Gretchen is very close sa akin, parang kapatid ko talaga ‘yan. Kuwento nang kuwento, inaantok na ako. Ang daming sinasabi kasi makuwento talaga ‘yan, e. 'Yan yung time na sabi ko... G ang tawag ko sa kanya. Sabi ko, 'G, tutulog na lang muna ako,' kaya ginanoon ko yung kamay niya. 'Tutulog muna ako.' Siguro stewardess yung kumuha ng picture."
Atong Ang and Gretchen Barretto / Photo from PUSH

"Hindi ko itinatanggi yun. Minsan siguro magkakasama kami, kasama naman lahat. Siguro bihirang-bihira ‘yan kung naglalakad. Gentleman tayo, tatawid tayo, maglalakad tayo, alangan naman hindi mo hawakan ang isang tao, maski yung kasama niya. Ang anak ko nga, lagi kong kaakbay, e."

Ayon kay Atong, business partners lamang sila ni Gretchen at walang katotohanan ang mga paratang ni Marjorie Barretto na may relasyon sila.

Dagdag pa ni Atong, madalas silang kumakain sa labas at bumibiyahe sa abroad, kasama si Tonyboy.

"Unang-una, walang agawan dahil hindi naman kami ni Gretchen. Nakikita ng tao na kumakain kami sa labas nila Tony. Sama-sama naman kami. Nagta-travel kami sa abroad kasi mahilig nga akong kumain, ganoon lang. Ngayon, kung ang tingin nila, kung sinasabi nila, kapareho ni Marjorie na tingin din ni Nicole na girlfriend ko si Gretchen, e, konklusyon lang nila yun," paglilinaw ni Atong.
Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco / Photo from ABS-CBN News

Itinanong rin ni Noli kay Atong kung umaalis sila ni Gretchen ng silang dalawa lamang.

"Lagi kaming marami. Kasama lahat," sagot ni Atong.

Itinanong ulit ni Noli kay Atong kung naging girlfriend ba niya sina Nicole, Claudine at Gretchen.

"Basta sinabi niyang naging boyfriend niya ako, e, sinasabi ko nga, hindi ako puwedeng magsalita ng oo saka hindi. As is na lang siya, kasi hindi maganda sa side ko na ako pa ang magsasalita."

"Si Claudine, hindi. Yun lang yun. Si Gretchen, hindi talaga," diin ng negosyante.
Atong Ang, Nicole, Claudine and Gretchen Barretto / Photo from PEP

Ano ang reaksiyon ni Tonyboy?

"Wala! Alam naman niya lahat ng nangyayari. Alam niya lahat, e. Nagkikita kami, nagpupunta ako sa bahay niya. Kumakain kami lagi sa labas."

Ni isa dun sa mga Barretto, wala siyang naging karelasyon?

"Basta idine-deny ko si Claudine saka si Gretchen."

E, si Nicole?

"May anak na siya saka boyfriend. May asawa na ‘yan. Ayokong magsalita nang ganyan. Ang alam ko, maayos yung boyfriend niya, so nirerespeto ko yung relationship niya ngayon. Kasi five years actually na hindi ko nakikita si Nicole. Nakita ko nga siya sa patay na lang."


***
Source: PEP