Para Matapos na ang Away: Tulfo Inimbitahan ang Magkakapatid na Barreto sa Show nya - The Daily Sentry


Para Matapos na ang Away: Tulfo Inimbitahan ang Magkakapatid na Barreto sa Show nya



Tulfo and the Barreto sisters
Hanggang ngayon ay mainit na usap-usapan pa rin ang away-pamilya ng mga magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barreto.

Marami ng mga prominenteng mga pangalan ang nadawit gaya nina Atong Ang, Ramon Ang, Recom Echiverri at madami pang personalidad.

Eto na marahil ang kinokonsidera ng karamihan na "Family Feud of the Year" dahil sa hindi matapos-tapos na iringan at parinigan sa social media. Laman ito ng mga malalaking balita ng media dito sa Pinas at maging sa ibang bansa,


Sa kagustuhan ng karamihan na maayos ang gusot ng mga Barreto, mungkahi ng mga netizens na pagharapin kay Raffy Tulfo ay tila mangyayari na.

Sa kanyang show na Wanted sa Radyo, si Raffy Tulfo ay inimbitahan ang mga magkakapatid. “Welcome na welcome kayo rito," imbita ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, welcome na welcome ang mga Barreto na ilabas ang kanilang mga hinaing sa isat-isa on air. Ngunit hiling ni Tulfo, sana ay magkakabati na silang magkakapatid lalo na't paparating na ang kapaskuhan.

"Ms. Gretchen, Ms. Claudine, Ms. Marjorie, dito ho magbugahan kayo ng sama ng loob pero gusto ko pagkatapos magsabi ng mga gusto niyong sabihin ay magbati na kayo lalo na't magpapasko," ayon kay Tulfo.

“Lalo na nabalitaan ko na yung father pala nila yumao na, alang alang na lang po sa yumao niyong ama na I’m sure minamahal niyo po lahat yan," dagdag ni Tulfo.

Source: Raffy Tulfo in Action