Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton Viral Dahil sa Kaniyang Bagong Itsura - The Daily Sentry


Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton Viral Dahil sa Kaniyang Bagong Itsura



Larawang pinagsama mula sa Google
Naalala niyo pa ba ang sikat na lalaki na nagbubuhay ng isang basket ng mga carrots dati? Siya ay si Jeyrick Sigmaton na nag-viral sa social media dahil sa kagwapuhan at ayos ng pangangatawan nito. Siguro hindi alam ng marami pero siya ngayon ay isa na sa mga miyembro ng all-male group na “FAB4Z” kasama sina Jeffer Kim, Patrick Villanueva, at Yuan Quiblat.

Nagsimula siyang sumikat nang madiskubre siya ng isang popular na magazine show ng GMA-7 na "Kapuso Mo, Jessica Sojo" sa Mountain Province. Matapos kumalat ng kaniyang mga litrato, nakatanggap siya ng maraming alok at guestings sa iba't ibang show sa GMA katulad ng “Bubble Gang”, “Unang Hirit”, “Sunday Pinasaya” at “Wowowin”.

Nang siya ay mag-guest sa "Wowowin", siya ay naging emosyonal dahil lahat ng kaniyang paghihirap sa buhay ay unti-unti ng napapalitan at talagang nagpapasalamat siya sa mga bagay na kaniyang nakakamit ngayon. Siya din ay naging isa sa mga brand ambassador ng sikat na clothing line sa Pilipinas. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Baguio City. Dati, ng siya ay nagsisimula pa lamang, nahihiya siyang humarap sa maraming tao, ngunit ngayon ay komportable na ito na magsalita sa harap ng mga tao.
Larawan mula sa Google
Siya na din ngayon ang sumusuporta sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid. Pinaplano din niya na ituloy ang kaniyang karera sa industriya ng showbiz kung kaya naman hindi siya napapagod sa pageehersisyo at pag-aalaga sa kaniyang katawan at kalusugan. Pangarap din niyang maging isang propesyonal na boxer katulad na lamang ni Manny Pacquiao.

Marami din sa ating mga netizens ang namangha sa kaniya dahil nais niya pa din na ituloy ang pag-aaral at mag-homeschooling para makuha niya ang kaniyang high school diploma.
Larawan mula sa Google
Dahil sa kaniyang popularidad, naging isa din siya sa mga inspirasyon ng mga pocketbook na storya. Nais niya din gumawa ng bagong Igorot song. Ngayon din ay nakakarating na siya sa iba't ibang lugar sa Asia kagay ng Singapore, Thailand, Korea, at United Kingdom.
Larawan mula sa Google
Larawan mula sa Google
Tunay na isa siya sa mga inspirasyon ng maraming tao na hindi dapat nila tigilan ang kanilang pangarap at magtiwala lamang na ang kanilang mga pangarap ay matutupad din.

Source: GF Knows Best