Nadine Lustre Nagbigay ng Kaniyang Reaksyon sa Bagong Teleserye Nina James Reid at Nancy McDonie - The Daily Sentry


Nadine Lustre Nagbigay ng Kaniyang Reaksyon sa Bagong Teleserye Nina James Reid at Nancy McDonie



Larawang pinagsama mula sa Cosmo.ph at ABS-CBN
Siguro ay lahat satin ay nagulat nang ianunsyo ng ABS-CBN na si James Reid at ang sikat na KPOP idol na si Nancy McDonie ay magkakaroon ng isang proyekto ng magkasama. Napagalaman din na ang bagong teleserye na gagawin ng dalawa ay pinamagatang "SOULMATE."

At ngayon na ang mga balita ay naging viral, maraming mga JaDine fans ang nais malaman kung ano ang naging reaksyon nang malaman niya na ang kaniyang boyfriend na si James ay magkakaroon ng ibang leading lady. Partikular na di Nancy McDone na isa sa mga miyembro ng sikat na KPOP group na MOMOLAND ay kilala dahil sa kaniyang angking ganda.

One JaDine fans stated,

“Si Nancy na nga ba ang magiging tinik sa Love team na Jadine?”


One JaDine fans commented,

“I hope, instead na mabuwag, ay maging strong pa ang Jadine“
Larawan mula sa Google
Larawan mula sa Cosmo.ph
Ngunit kahit na nasa labas ng bansa si Nadine Lustre para sa kaniyang endorsements, ipinagbibigay alam pa din niya ang kaniyang reaksyon sa nasabing viral na balita. Si Nadine din ay naging bukas tungkol sa kaniyang plano sa buhay at maging sa kaniyang career kahit na siya ay nasa Jakarta. Sinabi din niya na suportado niya ang kaniyang kasintahan na si James Reid kahit na walang JaDine na teleserye o pelikula na magaganap.

Ang JaDine loveteam ay kilala hindi lamang dahil sa kanilang on-screen na pagmamahalan, ngunit dahil sa pagiging tapat at tunay ng kanilang nararamdaman sa isa't isa off-cam. Ito ang unang beses na gagawa si James Reid ng isang proyekto na hindi kasama si Nadine Lustre. Sa isa sa mga naging tweet ni James. sinabi ng aktor na ang mga fans ay hindi dapat gumawa ng loveteam names sa kaniya pati na din kay Nancy dahil mayroon ng "JaDine".
Larawan mula sa Cosmo.ph
Larawan mula sa ABS-CBN
Pero hanggang ngayon, wala pa ding ibang detalye tungkol sa mga casts at kwento ng "SOULMATE" ngunit sigurado kami na isa na naman ito sa mga pinakamaganda at aabangang teleserye.

Source: Youtube