Celebrities Na Niloko at Iniwan ng Lalaking Minahal Nila - The Daily Sentry


Celebrities Na Niloko at Iniwan ng Lalaking Minahal Nila



Larawang pinagsama mula sa Google
Sinu-sino nga ba ang mga Female Celebrities sa Pilipinas na may pinakamagagandang mukha sa showbiz na nakaranas mas4ktan at mas4wi sa pag-ibig na talaga namang nag-trending sa social media. Tara at alamin natin.

Jackie Gonzaga “Ate Girl”
Larawan mula sa Pep
Jackie Gonzaga o kilala bilang “Ate Girl” sa It’s Showtime ay nadiscover nang mapansin ni Vice Ganda ang beauty niya sa show. Simula noon ay tinawag na siyang Ate Girl ng madlang people.

Sa episode ng It’s Showtime taong June 4, 2019 ay bumuhos ang luha ni Ate Girl ng tanungin siya ni Vice kung kamusta na ba siya. Ibinalitang sobrang nasaktan si Ate Girl Jackie sa hiwalayan nila ng miyembro ng Hashtags na si Tom Doromal.

Sunshine Dizon
Larawan mula sa Amazetify
Noong 2016 naging isang malaking isyu sa showbiz ang hiwalayang Sunshine Dizon at Timothy Tan. Si Sunshine ay isa sa magagandang mukha ng GMA 7 na lalong nakilala bilang Pirena sa Encantadia noong 2005.

Nabalitang naghiwalay ang dalawa dahil sa third party. Kinasuhan ni Sunshine Dizon ang ex-husband niya na si Timothy at ang kalahuy0 diumano nito na si Clarisma Sison. Sobrang nadrepr3ss ang actress sa nangyarin ngunit itinuon na lamang niya ang kanyan pansin sa Encantadia Remake noong 2016 at sa kanyang dalawang anak.

Sunshine Cruz
Larawan mula sa Push
Si Sunshine Cruz ay isa sa mga kilalang s3xy stars noong 90s at kabilang siya sa mga kilalang pamilya ng Cruz sa industriya ng showbiz. Kamag-anak niya sina Tirso Cruz at Rayver Cruz. 23 years old si Sunshine ng kinasal siya sa 38 years old na si Cezar Montano noong September 14, 2000.

Isa sa mga kilalang playboy ng henerasyon nila ay si Cezar Montano. Kaya naman hindi na nagtaka ang mga tao ng mag-file ng kaso si Sunshine laban kay Cezar. Naging malaking isyu din ito lalo na nang aminin ni Sunshine na hindi lang siya isang beses pinagt4ksilan nito at ang pinakahuling babae ni Cezar ng maghiwalay sila ay si Krista Miller.

Dawn Zulueta
Larawan mula sa Cosmo.ph
Si Dawn Zulueta ang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz noong panahon ng kasikatan niya. At si Richard Gomez naman ang pinakasikat na leading man noon kaya itinuturing silang perfect couple na inamin nila sa publiko ang kanilang relasyon.

Naging malaking isyu ang paghihiwalay nilang dalawa noong 1993 ngunit kaibigan at pamilya lang nila ang nakaalam ng totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. Sa interview ni Vice Ganda, inamin na rin ni Richard Gomez na kaya sila naghiwalay ay dahil hindi siya naging faithful kay Dawn Zulueta. Inamin naman ni Dawn na sila sana ang nagkatuluyan kung naging faithful ang actor sa kanya. Maraming netizens ang nagsabing si Lucy Torres talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Rhian Ramos
Larawan mula sa ABS-CBN News
Naging malaking isyu ang hiwalayang Mo Twister at Rhian Ramos noong 2011. Isa si Rhian Ramos sa mga artistang binibuild up ng GMA 7 that time. Masasabing isa siya sa may pinakamagagandang mukha sa GMA 7 noong kasikatan niya. Ngunit hindi naging maganda sa career niya ang relasyon nila ni Mo Twister.

Ito nga daw ang pinaka sumira sa puso niya pati na rin sa kanyang career. Di umano si Mo Twister ang naglabas ng video nila na naglalambingan na mabilis na kumalat sa social media noon.

KC Concepcion
Larawan mula sa Pep
Naging hit couples sina KC Concepcion at Piolo Pascual noong 2010. Isa sila sa pinaka nakakakilig na couple according sa kanilang mga fans. Si KC Concepcion ay panganay na anak ni Sharon Cuneta at si Piolo naman ang main leading man at heartthrob ng ABS-CBN Network.

They are considered royalty couple noong 2010. Ngunit biglang nagkaroon ng heart to heart interview si KC Concepcion sa The Buzz with Boy Abunda at inamin niya dito na hiwalay na sila ni Piolo Pascual. Sa interview na ito ay bumuhos ang luha ni KCat hindi na napigilan na magpakita na sobra siyang nasaktan sa hiwalayan nila ni Piolo. Nabalita naman noon na bis3xual diumano si Piolo Pascual at ito ang naging dahilan sa kanilang hiwalayan ngunit itinanggi naman nito ni KC at Piolo pati na rin ng kanilang management.

Anne Curtis
Larawan mula sa Cosmo.ph
Isa si Anne Curtis sa mga magagandang mukha sa Philippine showbiz na hindi rin nakaligtas sa matinding hiwalayan. Kung maaalala niyo noong 2008 ay bumuhos ang luha ni Anne sa National TV dahil sa paghihiwalay nila ni Sam Milby. 4 years na on and off ang kanilang relationship at naging matunog ang balitang hiwalayan nila ng aminin ito ni Anne sa The Buzz.

Isiniwalat ng actress na si Sam Milby mismo ang siyang umayaw sa kanilang relasyon na ikinagulat naman ng marami. Sinabi din ni Anne na may feelings pa siya kay Sam Milby nang hiniwalayan siya nito kaya sobrang s4kit nito para sa kanya. Dahil dito matunog din na lumabas ang isyu sa s3xuality ng actor at hanggang ngayon ay usap usapan pa rin ito.

Elisse Johson
Larawan mula sa Cosmo.ph
Si Elisse Johson ay isa sa mga sumikat na artistang galing sa Pinoy Big Brother. Nakilala siya noon at naging ka-loveteam niya din si Macoy de Leon na later on ay naging bf niya. Sumikat silang dalawa paglabas ng bahay ni Kuya at ang loveteam nila ay tinawag na Maclisse.

Naging malaking isyu ang kanilang hiwalayan lalo na sa kanilang mga fans. At noong 2018, inamin na ng dalawa na hiwalay na sila. Sa intagram account ni Elisse ay nag-release siya ng statement na pilit niyang hinabol habol si Macoy to the point na nawala na ang sarili niya sa relationship nila. Inamin din niya sa isang interview na masyado siyang nas4ktan sa hiwalayan nil ani Macoy. Wala naman exact reason na sinabi si Elisse kung ano ba talaga ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Karylle Yuzon
Larawan mula sa Inside Readers
SI Karylle ang panganay na anak ni Zasha Padilla at dating GMA star. Ngunit nang maghiwalay sila ni Dingdong Dantes ay umalis ito sa GMA at lumipat sa ABS-CBN kung saan nakasama ang kanyang ina. Isang mala fairytale din ang love story nil ani Dingdong Dantes dahil nagsimula ito sa pagtatambal nila sa Encantadia.

Tatlong taon din silang naging magkarelasyon ngunit naputol ito noong magdecide ang dalawa na maghiwalay noong 2008. Inamin ni Karylle sa interview noon kay Ricky Lo na inakala niya na si Dingdong Dantes na ang makakasama niya habambuhay at pakakasalan niya. Kaya naman sobrang nas4ktan siya ng maghiwalay sila. Tinawag pa niyang greatest love niya si Dingdong Dantes. Marami ring lumabas na balita na si Marian Rivera diumano ang dahil ng kanilang hiwalayan.

Nikki Gil
Larawan mula sa Philippine NewsFeed
Si Nikki Gil ay unang sumikat at nakilala sa kanyang musical commercial para sa Coca Cola. Kaya naman marami ang natuwa ng malaman ng mga fans niya na sinagot niya na si Billy Crawford. Tumagal ang relasyon nila for 5 years at maraming fans nila ang nagabang ng wedding bells para sa dalawa ngunit hindi na ito nangyari dahil noong 2013 nagdecide ang dalawa na maghiwalay.

Sa isang interview ni Nikki Gil inamin niya na may third party involved kaya sila naghiwalay ni Billy Crawford. Hindi man ito pinangalanan ni Nikki, maraming nagsabi na si Coleen Gracia ito. Ilang buwan pagkatapos ng hiwalayan nila ay umalis ng bansa si Nikki. AYon sa balita, sobrang nas4ktan siya sa nangyari na hindi niya na kinayang magstay pa sa Pilipinas

Bianca Umali
Larawan mula sa Journal Online
Si Bianca Umali ay isa sa mga rising stars ng GMA 7 at ang tambalan nila ni Miguel Tanfelix ang isa sa mga inabangan ng mga tao sa GMA. Naging trending sila sa Twitter nang umamin si Bianca na bf niya na si Miguel. Pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil nabalita noong 2018 na mayroong third party diumano na involved sa kanilang hiwalayan. Ayon sa balita, ito ay ang kanilang co-star sa Kambal Karibal na si Kyline Alcantara.

Maja Salvador
Larawan mula sa LionHeart TV
Isang kilalang dancer at magaling na actress si Maja Salvador sa kanyang henerasyon ngayon. Siya ang huling naging gf ni Gerald Anderson bago sila nagkabalikan ni Bea Alonzo. Tumagal ang relasyon ni Maja at Gerald for 2 years. Nagsimula ito noong 2013 at nagdecide silang maghiwalay noong 2015.

Sa isang interview ni Maja, sinabi niyang isa sa pinakamas4kit na hiwalayan ay ang nagyari sa kanila ni Gerald Anderson. Inamin ni Maja sa interview na si Gerald na mismo ang umayaw sa kanilang relasyon dahil hindi daw nila ito mapagsabay ang kanilang career at love life. Ngunit nabalitang kaya siya hiniwalayan ni Gerald ay balak ng actor na makipagbalikan kay Bea Alonzo.

Heart Evangelista
Larawan mula sa GMA Network
Si Heart Evangelista ang tinuturing na darling of Sweetheart of Philippine Showbiz dahil sa maganda at maamo nitong mukha. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na ang pag-iibigan ni Jericho Rosales at Heart ay parang pang-teleserye dahil ayaw ng pamilya ni Heart kay Jericho kaya naman “You and Me Against the world” ang tema ng buhay ni Heart noon.

Nagtanan ang dalawa at pumunta ng ibang bansa. Ngunit hindi tulad ng mga movies at teleserye, hindi naging happy ending ang storya nila. Noong 2008 ay umuwi ng Pilipinas si Heart at tinapos niya na ang relasyon nil ani Jericho Rosales na tumagal ng tatlong taon. Inamin din ni Heart sa interview na dahil sa third party kaya hiniwalayan niya si Jericho. Kumalat ang balita na si Karen Sue ang tinutukoy ni Heart noon.

Erich Gonzales
Larawan mula sa Pep
Si Erich Gonzales ay isa sa mga fresh looking artist ng ABS-CBN at isa sa effort less beauty sa showbiz. Naging kontrobersyal din ang hiwalayan nil ani Daniel Matsunaga noon. Maraming fans ni Erich ang nagalit kay Daniel at sinabing ginamit lamang niya si Erich para sa kanyang career.

Sa isang interview, sinabi ni Erich na talagang minahal niya si Daniel at sobrang nas4ktan siya noong magkahiwalay sila. Kinailangan pang mangibam-bansa ni Erich upang makapag-isip at kalimutan ang hindi magandang nangyari sa kanilang relasyon.

Kim Chiu
Larawan mula sa newsfeed
Si Kim Chiu ay sumikat at nakilala bilang housemate ni kuya sa Pinoy Big Brother at siya din ang tinanghal noon na Ultimate Big Winner sa kanilang batch. Hindi naman makakalimutan ng mga tao ang pinakauna niyang bf sa showbiz na si Gerald Anderson at ang loveteam nila na tinawag na Kimerald.

Hindi naging maganda ang kinahantungan ng kanilang relasyon at noong 2010 nagsalita na ang dalawa na hiwalay na nga sila. Kumalat din ang balita noon na nagtangkang magpakam4tay si kim dahil sa lahat ng ginawa niya para kay Gerald ay hindi pa rin nag-workout ang kanilang relasyon. Ngunit mabilis namang itinanggi ni Kim at ang kanyang management. Si Maja Salvador ang tinuturo ng mga fans ang nagging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Angelica Panganiban
Larawan mula sa Lionheart tv
Naging kilalang hugot queen si Angelica nang maging broken hearted siya kay John Lloyd Cruz and for the second time around, kay Carlo Aquino. Noong 2017, nagging viral ang mga hugot lines ni Angelica na patama diumano sa kanyang ex-bf na si John Lloyd. Binunyag din ni Angelica sa isang interview na pinilit sirain ang kanilang relasyon ngunit hindi siya nagbigay ng pangalan kung sino ito.

Ilang linggo makalipas ang interview, naglabasan na ang mga larawan ni John Lloyd at Ellen Adarna sa social media. Last year naman ay naging mainit ang balitang nagbalikan na daw sila ng ex-bf niya na si Carlo Aquino. Ngunit bago pa man bumalik ang kanilang magandang pagsasamahan ay pinutol na agad ito ni Carlo at sinabi niyang hindi niya muna priority ang magka-gf sa ngayon. Diumano nas4ktan si Angelica Panganiban dahil ang buong akala niya ay seryoso na si Carlo sa kanya pero ginamit lamang pala siya para mag-promote ng kanilang movie.

Angel Locsin
Larawan mula sa Rappler
Si Angel Locsin ang price actress ng GMA 7 noon at nang lumipat siya sa ABS-CBN nang 2007 ay tinuring siyang superstar dito. Nagsimula din ang magandang pagsasamahan ni Angel at Luis Manzano noong 2007. Ngunit tumagal lamang ito ng dalawang taon at nagbalikan sila ulit noong 2014.

Pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at naghiwalay silang muli noong 2016. Hindi nagbigay ng buong detalye si Angel Locsin dahil wala daw siyang magandang masasabi sa hiwalayan nil ani Luis Manzano. Kaya naman lumakas ang hinala ng supporters ni Angel na si Jessy Mendiola nga ang naging malaking dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bea Alonzo
Larawan mula sa Pep
Si Bea Alonzo ang isa sa pinakahinahangaang actress sa industriya ng showbiz dahil sa dami niyang pelikula at teleserye na talagang pumatok sa takilya. Nakilala siya bilang Basha sa One More Chance at Babi sa Four Sisters in a Wedding. Ngunit kahit anong ganda at talented ni Bea Alonzo ay hindi rin siya nakaligtas sa lupit ng buhay sa showbiz pagdating sa pag-ibig.

Recently naging malaking isyu ang hiwalayan nil ani Gerald Anderson. Inamin ni Bea na akala niya si Gerald na talaga ang destined pa ra sa kanya dahil noong 2010 umamin si Gerald na gusto niya si Bea Alonzo. Ngunit si Bea na mismo ang umiwas kay Gerald dahil sa sobrang pambabash ng Kimerald sa kanila. Kaya naman si Maja Salvador ang naging official GF ni Gerald pagkatapos ng relasyon niya kay Kim.

Naghiwalay din si Maja at Gerald noong 2015. At noong 2016, muling nagcross ang landas nila dahil sa movie na How To Be Yours. At pagkatapos nun ay nagging official gf na niya si Bea Alonzo pero biglang nagulat ang lahat ng lumabas ang balita ngayong 2019 na hiwalay na ang dalawa at si Julia Barretto ang tinuturong dahilan ng hiwalayan.

Source: Youtube