HULI KA: Mister bistado ng ipinagpalit ang sariling pamilya sa babaeng nakalaro niya sa Mobile Legends - The Daily Sentry


HULI KA: Mister bistado ng ipinagpalit ang sariling pamilya sa babaeng nakalaro niya sa Mobile Legends



Screen captured from ER YL Facebook post

Tungkulin sana ng isang responsableng asawa at ng haligi ng tahanan ang itaguyod ang kanyang pamilya at punuin ito ng pagmamahal at pag-aaruga ngunit ito'y pinagkait ng isang Ama sa isang buntis na asawa at ng kanyang isa pang anak.

Isang post ngayon sa Facebook ang nag viral dahilan sa pangangaliwa ni mister at ipinagpalit ang kanyang mag-Ina sa isang babaeng nakalaro niya lamang sa Mobile Legends.

"July 9 lang kayo nagkalaro sa Mobile Legends. Inadd ka sa Fb at nagkachat kayo, aba July 13 may pa spider man the movie date na agad kayo? Magaling. Sa anak wala pambigay pero pangdate meron."

Ayon sa post ni Eryl hindi ito ang unang pagkakataon na niloko sila ng kanyang mister na kanyang pinangalanang si Aivan Jade Santos.

"Ginawa muna to noon sa akin, binuntis mo ako sa panganay naten tapos tinalikuran at sumama ka sa ibang babae at naglaro ng bahay bahayan. wala kang narinig sa akin, at nung bumalik ka, pinatawad kita at tinanggap ng buong buo."


Basahin ang kanyang buong pagsisiwalat:


THIS IS MY FIRST AND FINAL POST FOR MY ESTRANGED HUSBAND OF 6 YEARS, AIVAN JADE SANTOS.

Minahal kita at naging loyal ako. Binigay ko sayo lahat ng pwedeng maibigay ko to the point na magkandautang-utang ako sa mga loan sharks dahil sa pagtulong sa pagpyapyansa sayo nung nakulong ka at sa pangtubos ng mga high end cellphones na binili ko para sa ateng dalwa na paulit ulit mong sinangla dahil lang nagcacasino ka. Yes, you are not perfect and so am I, pero kahit ganyan ka, inintindi pa din kita despite of your abusive language and actions sa akin. 


Thinking na one day magbabago ka through age and time but most especially through God. I know I am not perfect too but I need a man who will help me make my imperfections worth loving for. Alam kong hindi ako nagkulang, sa tingin nga ng lahat sumobra pa. Alam kong nagawa ko na din ang lahat para sa marriage naten at sa family naten. ganun naman dapat db, dapat pag nagmahal ka, ibibigay mo ang lahat, yung buo and without any reservations.

Ginawa muna to noon sa akin, binuntis mo ako sa panganay naten tapos tinalikuran at sumama ka sa ibang babae at naglaro ng bahay bahayan. wala kang narinig sa akin, at nung bumalik ka, pinatawad kita at tinanggap ng buong buo.

Yung una kaya ko pang isiping nagkamali ka lang, pero ngayong pangalawa, hindi na pagkakamali to, may sakit kana. Wag mong gamitin ang sorry at second chance para gawing ticket pabalik sa akin at para paulit ulit mo akong saktan.

You dont deserve someone like me Aivan. I know I am worth loving for.

I am sure this is not the end of my life, but the end of our story with a new beginning that awaits me. sana maging masaya ka sa choices mo. and dont you ever dare come back to us kasi hindi na ako babalik sayo, kasi hinde mo deserve maging part ng pamilyang ito na winasak mo.


Thank you for setting me free and see you in COURT. Nagsampa ako ng kaso hindi para habulin ka pero para pagbayaran mo ang mga kasalanan mo economically, physically and psychologically. Hindi yun para sa akin pero para sa dalwang anak ko na apektado dahil sa twing ggawa ka ng ganto talgang kung kelan pa buntis ako. Lahat ng stress at depression n nrransan ko, damang dama at salong salo ng mga mga anak ko na dinala ko at dinadala ko sa sinapupunan ko. Hindi ko ilalagay sa kamay ko ang batas pero sa batas na meron tayo na nilabag mo. kasal tayo pero nagbahay bahayan kayo.

Sa bagong babae mo (bago kasi as in marami ka ng nakarelasyon within our marriage, at i will keep all the evidences and pictures)

Miss, Isabelita Carla Rellosa Vargas, or Carla Rellosa aka "AISHIMIKU" or "AISHI". You have all the respect you need from me. kahit suklam na suklam ako sa mga _______________  mo. You could still have my respect kasi ganung klaseng tao ako. I will give you respect para maunawaan mo kung ano ba ang salitang respeto. I am just concerned sa inyo. kailangan nyong magpagamot para humaba ang love story nyo. Pacheck up na kayo sa St. Lukes BGC.

At sa lahat ng makakabasa nito. pagbigyan nyo na ako. matagal akong nanahimik. matagal kong dinala ang sakit at ang lungkot. Gusto ko ng lumaya sa bangungot. Please, kindly respect my decision of posting this last chapter of our story.

This will be a start of a new life, a new journey for me and my children...


Photo from ER YL Facebook post


"This is our last family picture where all the happy memories will be attached."

"My children deserve to see this someday kasi part to ng buhay nila. part to ng story nila."


Photo from ER YL Facebook post



"Akala ko masaya pa tayo dito. ikaw, ako, si baby sa tummy ko. Salamat sa pagpapalaya sa amin ng mga anak mo."



Photo from ER YL Facebook post

"Alam mo, alam na alam mo ang pinapasok mo. Kayo pa ng x live in partner mo pero nakikipaglandian ka na. Wag mong sabihing biktima ka dahil napakalayo nun sa katotohanan."


"July 9 lang kayo nagkalaro sa Mobile Legends. Inadd ka sa Fb at nagkachat kayo, aba July 13 may pa spider man the movie date na agad kayo? Magaling. Sa anak wala pambigay pero pangdate meron."


***

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Source: ER YL | Facebook