Ito na Pala Ang Buhay ni Jennica Garcia Uytingco Matapos Umalis sa Showbiz - The Daily Sentry


Ito na Pala Ang Buhay ni Jennica Garcia Uytingco Matapos Umalis sa Showbiz



Larawang pinagsama mula sa Google
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami na din talagang mga artista ngayon na mas pinipili na magkaroon ng isang tahimik na buhay kasama ang kanilang pamilya na malayo sa mga mapanghusgang mga tao at mga negatibong komento na kanilang sinasabi.
Larawan mula sa Youtube
Ang pagkakaroon ng isang simple at pagiging kuntento sa buhay ay isa din sa mga susi ng pagkakaroon ng isang masayang pamilya.

Isa na nga rito ang sikat na artista na si Jennica Garcia Uytingco na mas pinili na lumayo sa limelight taong 2004 at mas pinili na lamang magpokus sa pag-aalaga sa kaniyang unang anak at sa kaniyang asawang aktor na si Alwyn Uytingco.
Larawan mula sa Youtube
Bukod pa dito, naging abala din si Jennica sa pag-aasikaso ng kaniyang mga business na kaniyang napalago habang inaalagaan ang kaniyang dalawang anak na sina Athena at Alexis.
Larawan mula sa Youtube
Ilan sa mga business ni Jennica ay ang kaniyang ukay-ukay, plant shop, at parenting emporium na kung saan ay nagbabahagi siya ng ilang mga paraan kung paano mapapangalagaan ng mga ina ang kanilang sarili pagkatapos manganak at ilang mga impormasyon at tips sa pagiging healthy habang nagbubuntis.

Nakakatuwa din na nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa kaniyang pamilya at pagiging hands on sa kaniyang mga business.
Larawan mula sa Youtube
Si Jennica din ang gumagawa ng ilang mga gawaing bahay tulad ng paglalaba ng mga damit ng kaniyang anak nang mag isang taon ang kaniyang unang anak na si Athena Mori. Nais din ni Jennica na maging tutok sa kaniyang mga anak at hindi naging hadlang ang kaniyang mga business dito. Si Alwyn naman ay todo suporta sa mga bagay na ginagawa ng kaniyang asawa.
Larawan mula sa PEP
Makikita din sa ilang mga Instagram posts ni Jennica na mas pinili nilang mag-asawa na mag-celebrate ng kanilang anibersaryo sa divisoria. Ngunit kahit ganoon pa man, masaya pa din sila sa naging selebrasyon ng anibersaryo dahil ang mas importante sa kanila ay ang kanilang pagsasama.

Napili naman ng aktres na gawin ang isang parenting talk ng sa gayon ay makapagbigay o makapagbahagi siya ng ilang mga tips at impormasyon sa mga magiging nanay na nais na manganak sa pamamagitan ng natural birth.
Larawan mula sa Youtube
Larawan mula sa Youtube
Larawan mula sa Youtube
Ang kaniyang ina naman na si Jean Garcia ay talagang proud at hinahangaan siya dahil sa kaniyang tiyaga at sipag na ginagawa sa kaniyang pamilya.

Source: Youtube