Ito na Pala Ngayon Ang Simpleng Buhay ni Andi Eigenman - The Daily Sentry


Ito na Pala Ngayon Ang Simpleng Buhay ni Andi Eigenman



Larawang pinagsama mula sa Youtube
Kamusta na nga ba ang buhay ngayon ni Andi Eigenmann matapos umalis sa industriya ng showbiz?
Larawan mula sa Youtube
Matapos lumayo sa limelight, mas pinili na lamang niyang manirahan malapit sa dagat kung saan mas naging tahimik ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang unang anak na si Ellie Eigenmann sa dati niyang karelasyon na si Jake Ejercito.

Dahil dito, nakilala niya ang kaniyang partner ngayon na si Philmar Apilayo na isang surfing champ. Ang dalawa ay masaya ng namumuhay at naninirahan ng simple sa isla sa Siargao sa Surigao del Norte kasama ang kanilang mga anak na sina Ellie at ang kanilang bagong baby na si Keliana Alohi o Lilo.
Larawan mula sa Youtube
Sa ngayon, masaya na si Andi sa kaniyang buhay bilang isang island girl at handa pa din naman siyang tumanggap ng mga proyekto sa showbiz kung siya ay mabibigyan.
Larawan mula sa Youtube
Makikita din natin ngayon na talagang masaya si Andi sa piling ni Philmar na kung saan mas pinili na lamang niyang manirahan at magkaroon ng simpleng buhay sa isla. Ngayon, pinapatayo na din ang kaniyang dream house.

Nagpapasalamat at talagang proud din si Andi kay Philmar dahil sa mga bagay na ginagawa nito para sa kaniya, para kay Ellie, at para na rin kay Lilo.
Larawan mula sa Youtube
Tunay nga na wala ng mahihiling pa si Andi sa kasiyan ng kaniyang buhay. Makikita din na siya ay kuntento na sa kung anong meron siya at ng kaniyang pamilya ngayon. Maging si Ellie ay tila nasasanay na din sa buhay at paninirahan nila sa isla.
Larawan mula sa Youtube
Si Andi Eigenmann ay anak ng mga sikat at beteranong artista na sina Mark Gil at Jaclyn Jose. Nagsimula ang kaniyang karera sa showbiz sa pagganap sa isang soap opera na Prinsesa ng Banyera sa ABS-CBN. Noong 2008, siya din ay naging isa sa mga housemate ng reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.

Source: Youtube