Kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora, Mayroon ding Magarbong Lifestyle katulad ng kaniyang kapatid - The Daily Sentry


Kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora, Mayroon ding Magarbong Lifestyle katulad ng kaniyang kapatid



Larawang pinagsama mula sa Instagram/JinkeePacquiao
Isa sa mga kilalang personalidad ngayon na mayroong bonggang lifestyle ay si Jinkee Pacquiao simula nang sila ay makaahon sa buhay dahil na rin sa pagkapanalo ng kaniyang asawa na si Manny Pacquiao sa larangan ng boxing tuwing ito ay may laban.

Si Jinkee din ay naging isang fashion icon na dahil sa kaniyang fashion style ng mga mamahaling mga gamit na kaniyang sinusuot katulad na lamang ng alahas, bags, damit, at sapatos. Kaya naman marami sa ating mga netizens ang talaga namang nag-aantay sa kaniyang social media accounts para sa kaniyang mga bagong posts.

Ngunit kahit na nakaangat na sa buhay si Jinkee ay hindi niya naman kinalimutan na tulungan at i-angat din ang kaniyang kambal na kapatid na si Janet Jamora.
Larawan mula sa Instagram/JinkeePacquiao
Madalas makita na ang dalawa ay 'twinning' sa mga damit o gamit na kanilang sinusuot tuwing sila ay nagta-travel sa iba't ibang lugar na makikita sa Instagram account ng dalawa.
Larawan mula sa Instagram/JinkeePacquiao
Sa isang panayam kay Janet, ibinahagi niya na madalas siyang pagkamalan na si Jinkee Pacquiao dahil na rin sa kanilang parehas na suot at sa kanilang identical looks.
Larawan mula sa Instagram/JinkeePacquiao
Saad ni Janet,
Larawan mula sa Instagram/JinkeePacquiao
“There are times when people do not even believe I’m not Jinkee, I just explain that I am the twin sister. I am very proud and happy to be Jinkee’s twin sister.”

Parehas din ang taste ni Jinkee at Janet sa Fashion, maliban sa pagkakamukha nilang dalawa. Madalas ay mayroong ibang mga fans ang nakakakita sa dalawa na nagsho-shopping sa mall at madalas na bumibili ng mga mamahaling gamit.
Larawan mula sa Instagram/JinkeePacquiao
Larawan mula sa Instagram/JinkeePacquiao
Kahit na daw noong mga bata pa sila ay madalas na din nilang gawin ang bagay na ito dahil ang kanilang Nanay ay madalas bumibili ng magkaparehong damit at ipapasuot sa kanilang dalawa. Ngunit, katulad ng ibang magkakapatid, ang dalawa din ay madalas na nagtatalo dahil sa mga laruan at damit, pero ngayon na sila ay matanda na naging mas malapit ang dalawa at sinasama din ni Jinkee si Janet sa halos lahat ng kaniyang lakad.
Larawan mula sa Instagram/JinkeePacquiao
Marami naman sa ating mga netizens ang nag-aabang ng kanilang mga Instagram post dahil na din sa kanilang pagiging magpakumbaba sa kabila ng pag-angat ng kanilang buhay.

Source: Instagram/JinkeePacquiao