Masayang Ibinahagi ni Ruffa Mae Quinto ang kinalabasan ng interior ng kaniyang Dream House - The Daily Sentry


Masayang Ibinahagi ni Ruffa Mae Quinto ang kinalabasan ng interior ng kaniyang Dream House



Larawang pinagsama mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
Isang maganda at eleganteng bahay o kaya ay high-end na sasakyan ay ang madalas na unang naipupundar ng halos lahat ng mga artista. Nais din nilang magkaroon ng isang magandang bahay para sa kanilang pamilya upang magkaroon ng komportableng buhay, maliban sa pangarap nilang ito.

Isa na din sa mayroong magagandang bahay sa Pilipinas ay ang mga artista kung saan ito ay kanilang pinaghandaan at pinaggarbo mula sa artitekturang disenyo nito hanggang sa interior design ng bahay na kanilang gagawin.

Si Ruffa Mae Quino ay isa sa mga artistang ito na masayang-masayang ibinihagi ang kinalabasan ng kaniyang pagpapagawa ng 'dream house' niya sa Amerika at sa Pilipinas.
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
Pagbabahagi ni Ruffa sa kaniyang Instagram account,
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
"My new home... Amen! Dalawa bahay na inaayos ko, sa Pinas at sa Amerika."
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
Ang komedyante din ay ang siyang nagasikaso at naging abala sa pagdidisenyo ng kaniyang bahay at mabuti at masusi niyang pinag-isipan lahat ng mga kagamitan na ilalagay niya dito. Nagbiro pa nga ito na maaari siyang maging isang interior designer dahil sa kinalabasan ng kaniyang bahay. Ang asawa naman nito na si Trevor Magallanes ay proud na proud sa kaniya.

Ayon sa caption ng Instagram post ni Ruffa sa loob ng kaniyang bagong bahay,
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
“Ang pangarap kong buhay at bahay... makakamit ko na soon, isa sa talent ko gusy interior de signing kyeme... So ito na nga po ang bedrooms ko, walk in closet, bathroom ko noong dalaga ako, 1969 my grandma bought this house, her first house she sold and I got it back dahil sa Boombania, yahoo!
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
“Ancestral Home in the Philippines! Mabuhay! May room na din anak ko Queen Elsaroom
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
“Back to housing projects, then housing project in the USA… malapit na
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
“Busy na busy ako sa housing projects, part kayo ng bahay na ito. Welcomae Quinto kaya lahat ng gamit namin de clutter, pati sofa ko and bed share haha. Kaya mae Quinto ko to!”

Marami ding isinakripisyo ang mag-asawa upang matupad ang kanilang pangarap na kung saan madalas din na magkahiwalang ang dalawa dahil sa pagiging abala sa ibang bagay, bukod sa determinasyon at sipag sa trabaho.
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
Pagbabahagi ni Ruffa,

“Todo na to guysh! Diba? (Ako na ang busy) Worth it ang aming Ldr! Kasi ito ang reason bakit kami magsusumikap para sa anak naming si @alexandriamagallanes namin @trevvvlog! Oo struggle kami pero May queen Elsa room na si Athena soon. So happiness na din kami. Unti-unting makakamit ang mga Pangarap! Go go go! Todo na to!”
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
Ang bagong bahay ni Ruffa ay talaga namang napakaganda kung kaya naman sobrang proud at masayang masaya niya itong ibinahagi sa kaniyang Instagram account. Hands on pa rin naman si Ruffa sa kaniyang anak na si Athena at sila ay madalas din nagta-travel at nagbobonding na dalawa kahit abala si Ruffa sa pag-aasikasyo ng kaniyang new house.
Larawan mula sa Instagram/Rufa Mae Quinto
Tunay nga na nakakaproud at nakakatuwa na makita ang pagbabahagi ng successful story ng mga artista dahil ang mga fans at followers nila ay alam na deserve nila ang ganitong bagay dahil sinikap at pinaghirapan nila itong makamit.

Source: Instagram/Rufa Mae Quinto