Nadine Lustre itinanggi ang isyu na buntis siya - The Daily Sentry


Nadine Lustre itinanggi ang isyu na buntis siya



Ikinagulat at natatawa ang aktres na si Nadine Lustre nang tanungin sa isyu na buntis diumano siya.
Nadine Lustre / Photo from ABS-CBN News

“Ha? Buntis ako? Ba’t di ko po alam na buntis ako? Talaga ba? Hindi naman.”

Ayon sa 25-anyos na girlfriend ni James Reid, hindi niya alam kung saan nagmula ang isyu na buntis siya.

“Bakit? Saan kasi nanggaling?”

Kasabay nito, umapela si Nadine sa publiko na huwag paniwalaan ang kung anu-anong nababalita tungkol sa kanya kung hindi sa kanya nanggaling ang impormasyon.

“Parang ako naman, if hindi naman nanggaling sa akin, sana huwag nang paniwalaan, di ba?”
Nadine Lustre / Photo from Instagram

Kamakailan ay lumutang ang espekulasyon sa pagbubuntis umano ni Nadine, matapos kumalat online ang isang litrato niya sa airport.

Papunta noon ang aktres sa Indonesia para dumalo sa event ng isa sa kanyang endorsements.

Kilala sa pagkakaroon ng flat tummy at sexy figure, pinuna ng netizens ang bahagyang maumbok na bahagi ng tiyan ni Nadine sa naturang litrato, at ilan ang kaagad na nag-speculate na buntis siya.


***
Source: PEP