Pepe at Pilar, Dinala sa Beach nina Korina Sanchez para sa kanyang 55th Birthday - The Daily Sentry


Pepe at Pilar, Dinala sa Beach nina Korina Sanchez para sa kanyang 55th Birthday



Larawang pinagsama mula sa Instagram Post ni Korina Sanchez
Nito lamang katapusan ng linggo, si Korina Sanchez ay nagkaroon ng selebrasyon para sa kaniyang 55th birthday.
Larawan mula sa Instagram Post ni Korina Sanchez
Sabi ni Korina na una talaga niyang plano ay pumunta silang pamilya sa Maldives upang doon ito ganapin, ngunit, hindi niya tinuloy ang ideya at sinabing,

"Hey, I'm a mom now."

Dahil sa gusto din ni Korina na ganapin ang kaniyang kaarawan sa beach, naisip na lamang niya at ng kaniyang asawa na si Mar Roxas na dalhin na lamang ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar sa Batangas, ang kanilang kauna-unahang beach outing.
Larawan mula sa Instagram Post ni Korina Sanchez
Si Korina ay ginugol ang kaniyang oras kasama si Pepe habang si Mar naman ay sinama sa paglalakad si Pilar.

Tila enjoy an enjoy si Pepe sa paglalaro sa dagat habang si Pilar naman ay ginugol naman ang kaniyang oras para din mag-enjoy sa kanilang trip na kung saan ito ay ibinahagi ni Korina sa kaniyang Instagram video.

Nagdala din si Mar at Korina ng isang inflatable pool na mas magandang pagpipilian para kay Pilar.

Sa paglubog ng araw na makikita bilang kaniyang background, nagpasalamat si Korina sa Panginoon dahil sa pagbibigay ng isang "Best Birthday Ever." Sa nangyaring beach trip ng pamilya, bakas ang tuwa at saya ni Korina at ang page-enjoy ng kanilang pamilya.

Sinabi niya sa isa sa kaniyang Instagram post, sinabi niya na,

"Life is good, despite. I ask for health, love, and time. I claim it. Amen."

Si Korina ay nag celebrate ng kaniyang kaarawan noong Oktubre 5.

Si Korina at ang dating senator na si Mar ay nagkaroon ng kambal na anak na sina Pepe at Pilar nito lamang ding tao.

Si Pepe at Pilar ay ipinanganak noong Pebrero 12, 2019 sa Pennslyvania, U.S.A.
Larawan mula sa Instagram Post ni Korina Sanchez
Sa kabilang banda, marami naman sa ating mga netizens ang bumati din kay Korina sa comment section ng kaniyang IG post. Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"To the beautiful lady inside and out A loving wife of sir Mar and gorgeous momma of Pepe en Pilar, Happiest Birthday! Cheers to all God Blessings"

"Ariel na Ariel ka dyan birthday girl. The girl who has everything. Wish I could be part of your world."

"God Bless you on your Birthday Ms Korina."

Source: PEP