Jinkee Pacquiao Nagkaroon ng Kaunting Pasilip sa Kaniyang Mamahaling Van - The Daily Sentry


Jinkee Pacquiao Nagkaroon ng Kaunting Pasilip sa Kaniyang Mamahaling Van



Larawan na pinagsama mula sa Instagram post ni Jinkee
Para sa marami sa atin, hindi na nakakapagtaka kung makabili man ng isang mamahalin na sasakyan si Jinkee Pacquiao dahil alam naman natin na si Manny Pacquiao at Jinkee ay isa sa mga pinakamayaman na mag-asawa sa bansa.

Hindi na din tayo nagugulat na ang dalawa ay kadalasang bumibili ng mga mamahaling sasakyan at mansion sa iba't ibang bansa at ilang partikular na lugar sa Pilipinas. Ngunit, marami na nga din sa atin ang naghahangad na makita ang loob ng sasakyan ni Jinkee na ating madalas nakikita sa kaniyang Instagram feed.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng  kaunting pasilip sa Jinkee Pacquiao sa loob ng kaniyang mamahalin na kotse sa kaniyang Instagram account. Neto naman Oktubre 5, nagkaroon ng isang "Saturdate" ang asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee sa kanilang tatlong anak na sina Michael, Mary Divine Gace, at Queez Elizabeth.
Larawan mula sa Instagram post ni Jinkee
Sa nakaraang Instagram post ni Jinkee, makikita na ang kaniyang Hummer ay isa talagang malaking van. Ang upuan ng kaniyang sasakyan ay nababalutan ng leather at mayroon ding mga komportableng headrests.
Larawan mula sa Instagram post ni Jinkee
Makikita din kung gaano kaelegante ang interior roof lightning na mayroon sa sasakyan ni Jinkee na kung saan pinapakita nito ang isang Euro-designed na gamit.

Sa isa ding Instagram post ni Jinkee makikita na silang mag-ina ay pumunta sa Power Plant Mall sa Makati City na sakay ang isang mamahalin at eleganteng van na kung saan ito daw ay Hyundai Starex ayon sa TopGear-com-ph.
Larawan mula sa Instagram post ni Jinkee
Ang sikat na ina kasama ang kaniyang mga anak ay nag-shopping at kumain sa nasabing mall. Makikita din sa kanilang pamamasyal kung gaano sila nag-eenjoy sa kanilang bonding na mag-iina.
Larawan mula sa Instagram post ni Jinkee
Si Jinkee Pacquiao ay isang media personality socialite, at Filipino politician na naging Vice Governor ng Sarangani, Mindanao, Philippines mula 2014 hanggang 2016. Siya ay kilala bilang asawa ng sikat na boxer at Senador na si Manny Pacquiao.

Source: PEP