Idol Raffy nagulat sa isang mensahe ng bata sa Ina nito na nag-asawa ng iba: "Ang LANDI niya po." - The Daily Sentry


Idol Raffy nagulat sa isang mensahe ng bata sa Ina nito na nag-asawa ng iba: "Ang LANDI niya po."



Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Viral ngayon sa social media ang naging mensahe ng isang batang lalaki para sa kanyang ina na diumano ay sumama at nagpakasal na sa iba at iniwan silang magkakapatid sa kanilang ama. 

Lumapit kay Raffy Tulfo ang isang ama, na nagngangalang Roberto Rivera kasama ang limang anak upang humingi ng tulong na makausap ang ina ng mga bata na diumano ay hindi na umuwi sa kanilang tahanan simula ng mag-abroad ito.






Roberto Rivera at mga anak | Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Bagamat hindi kasal si misis kay Roberto masama pa din ang loob nito sa ginawang pag-iwan sa kanila, gayong maliliit pa ang limang anak.

Galit at nadurog ang puso ng mga bata nang malaman nilang nagpakasal na ang kanilang ina sa iba na ipinost pa diumano nito sa social media.

Tinatawagan at tinetext daw nila ang ina ngunit hindi na ito sumasagot sa kanilang tawag. Hindi din daw tinupad nito ang pangako na pupuntahan sila sa kanilang kaarawan.

Minsan lang daw sumagot ang ina sa text ng anak na babae ngunit ang sinabi ay busy siya.

Samantala, ipinaliwanag ni Tulfo na hindi nila maaaring idemanda ang ina dahil hindi sila kasal ni Roberto, maaari pa din daw nila itong mahabol sa pagbibigay ng suporta sa mga bata.

Taxi driver si Roberto at mag-isa na lamang niyang tinatagutod ang mga anak ngayon. Kung siya nga daw ang masusunod ay hahayaan na lamang ang dating kinakasama ngunit ang mga anak niya daw ang nagpumilit lumapit kay Tulfo upang humingi ng tulong at makausap ang ina.



Ina ng mga bata | Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Ipinakita din ng mga bata kung gaano nila kamahal ang ama at hindi nila ito ipagpapalit sa ina.

Muling hiningan ni Raffy Tulfo ng mensahe ang dalawang mas nakakatandang mga anak.

Malungkot ang mensahe ng batang babae at sinabing masama ang loob nito sa ina dahil nag-asawa ito ng iba, gayun pa man sinabing sana ay masaya ang ina sa bago nitong asawa.

Kung gaano kalungkot ang mensahe ng batang babae ay iba naman ang nais iparating ng panganay na anak na lalaki, ng tanungin ito kung anong masasabi sa litrato ng ina na may kasamang iba.

Tila nagulat at manaka ay natawa si Tulfo sa sagot ng bata.

"Ang landi niya po.", sagot ng bata.

Dito ay tinanong ni Tulfo kung bakit nasabi ng bata ang mga katagang iyon at ang tanging sagot ng bata ay matagal na nitong alam na may ibang asawa ang ina.

Nagpahabol pa ng mensahe ang panganay na anak at sinabing "Mama alam mo pinaglihi ka sa ubod. Ubod ng sinungaling."






Source: YouTube/Raffy Tulfo in Action