Lalaking nag-viral dahil sa pagsabit sa jeep habang may sinusuntok nakausap na ni Yorme - The Daily Sentry


Lalaking nag-viral dahil sa pagsabit sa jeep habang may sinusuntok nakausap na ni Yorme



Ipinaliwang ni Manila Mayor Isko Moreno ang nangyaring inakala ng lahat ay tangkang pagnanakaw ng isang lalaki na sumabit sa isang jeepney kaninang umaga sa may U.N Taft Avenue.
Larawan mula sa video

Makikita ang lalaki na nakasabit sa gilid ng isang jeepney habang umaandar ito at may sinusuntok na pasahero.

Inimbitahan ni Mayor Moreno ang mga lalaking nakita sa viral video upang ipaliwanag ang nangyari na inakala ng mga netizen ay pagnanakaw.

Ayon kina Edison at Jomar, hinahabol nila ang isang lalaking nambastos umano sa kanyang asawa. Dagdag pa ni Edison, siya raw ang unang sinuntok ng lalaki.

Tatlong beses po binalikan 'yung asawa ko, hinipuan," kwento ni Edison kay Mayor Moreno.

"Inunahan niya po kasi ako ng suntok hanggang sa nagpang-abot po kami. Tumakbo po at sumakay ng jeep," dagdag ni Edison.

Kinumpirma rin ng mga pulis ang mga pangyayari.

"Maliwanag na hindi ito nakawan, snatching, o holdapping. Ito ay mga personal na alitan lamang," saad ni Mayor Moreno.

Samantala, ang video ng netizen na si Drean Sanchez na unang nag-upload ay umabot na sa 1.2M views, 20k reactions, 21k comments at 52k shares habang sinusulat namin ang istoryang ito.




***
Source: ABS-CBN