HULI KA! Mister harap-harapang niloloko ni Misis; nanawagan ng tulong para ito'y makulong - The Daily Sentry


HULI KA! Mister harap-harapang niloloko ni Misis; nanawagan ng tulong para ito'y makulong



Larawan kuha mula sa post ni Marcial Reas
Gumawa ng ingay sa social media ang nakakalungkot na kwento na ibinahagi ng isang Ama at isang asawa na nasira ang pamilya dahil sa pangangaliwa ni misis.

Sa post ni Marcial Reas, isinalaysay niya kung paano siya harap-harapang niloko ng kanyang asawa na si Margie Reas, sa loob ng 26-taon nilang pagsasama bilang mag-asawa kasama ang lima pa nilang anak.

Pinost ni Marcial ang patago niyang kuha na mga larawan, habang sinisundan ang asawa sa bahay mismo ng sinasabi nitong kalaguyo. Laman din ng larawan ay ang kanyang asawang si Margie kasamang nakahiga at natutulog na lalaki.


Pag-amin din niyang dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa ay di niya ito kayang saktan kahit pa harap-harapan na siya nitong iniiputan sa ulo sa loob ng sarili nilang bahay.

Larawan kuha mula sa post ni Marcial Reas

Ayon din sa kanya, ayaw na daw ng kanyang asawa sa kanya dahil sa liit na ng kinikita nito.

"Ayaw na daw po nya saken dahil hindi sapat ang aking kinikita," saad niya.

Ibinahagi din ni Marcial na maka-ilang beses niya ng mahuli ang dalawa na may milagrong ginagawa ngunit natatalo pa din siya ng kabaitan niya at na kahit na anong gawin ay asawa padin niya ito.

Nanawagan din ito ng tulong upang mapanagot at makulong ang kanyang asawa.

Hindi rin mapigilan ang mga netizen na nagpahayag ng kanilang reaksyon tungkol dito:

"Para sakin pag ganyan ginagawa ng asawa ko.iwanan ko na lang at kunin ko mga anak ko.kasi kahit anu gawin mo nyan gagawa at gagawa parin yan," - Jose Dionson 

"Boss sana hindi mo na ipi nost sana hiniwalayan mo na lng babae pa din yan at ina ng anak mo.may pagkukulang ka jan kaya nagawa nya yan.lagi po natin tandaan na ang kasiraan ng magulang damay ang anak," - Jerry Panganiban Trijo 

Larawan kuha mula sa post ni Marcial Reas

"Nakupo!!! Kuya...wag mong panghinayangan yang asawa mo...ibigay mo na po sa kabit nya sobrang bait mo po tlga..hayaan mo ang karma...may diyos po cia huhusga dyan sa makati mong asawa...cheer up may mga ank ka po wag mo sayangin buhay mo sa wlang kwentang taong tulad nya binaboy sarili," - Kate Rianzo


Ito ang buong pagsisiwalat ni Marcial: 

ayan po ang aking asawa na si MARGIE REAS 26years na po kaming kasal at may 5 na po kaming anak. naipost ko na po yan nong isang araw kaso po dineactivate ng aking anak ang pinagawa kong facebook.

nag usap kami sa cellphone ng asawa ko at sinabihan ako na wag daw akong uuwe at papatayin nya ako at hindi ko na daw makikita ang aking mga anak. 

kaya po heto at nagpagawa ako sa aking kaklase ayang picture na nakikita niyo ay patago ko lang pong kinuhaan. sa bahay po iyan ng kanyang lalake. kahit din po sa bahay namin ay dinadala nya yang lalake nya hindi na sya nahiya kahit andon ako. 

harap harapan nya po akong niloloko sa sobrang bait ko po hindi ko sya nagawang saktan dahil sa isip ko asawa ko pa rin sya kahit ginaganyan nya ako. 

ako po ay humuhingi ng tulong sainyo na maishare itong post ko. 

sobra sobra na po ang ginagawa nila saken hindi din ako makatulog kakaisip sa mga pinaggagagawa nila dahil dalawang beses ko na po silang nahuli na may milagrong ginagawa at bigla silang nagkulasan!

ayaw na daw po nya saken dahil hindi sapat ang aking kinikita. eto lang po yong paraan para mabigyan ng hustisya ang ginawa nya saken. sana po matulungan niyo ako i share po ito gusto ko po sya makulong. salamat po

***

Source: Marcial Reas | Facebook

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!