Lolit Solis, pinangaralan si Jim Paredes: “Huwag masyado political at fault finder Jim Paredes” - The Daily Sentry


Lolit Solis, pinangaralan si Jim Paredes: “Huwag masyado political at fault finder Jim Paredes”



Pinagsamang larawan mula sa theworldnews.net
Dahil sa pambabatikos ng singer na si Jim Paredes sa GMA-7 kaugnay sa nalalapit na pagbabalik showbiz ni Senator Bong Revilla Jr., bumwelta naman sakanya ang veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Matatandaan kasing may plano ang GMA-7 na gawing host si Revilla sa programang ipapalit sa "Daig Kayo Ng Lola Ko".

Ito ang naging post ni Jim Paredes tungkol sa nasabing isyu.

"Sen. Bong Revilla returns in GMA Network with drama-fantasy show for kids. PERA PERA PERA lahat. OK Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C'mon GMA. You cando better than this." ayon sa Twitter post ni Paredes.
Larawan mula sa Twitter
Dahil dito bumwelta naman si Lolit Solis sa naging post ni Paredes at pinaalala nito ang matatandaang naging viral video scandal ng singer.

“Mukhang nalimutan na ni Jim Paredes ang video scandal niya at tumitira na naman siya ngayon at ang target, si Bong Revilla naman.” ayon kay Lolit.

"Dapat nga masaya siya dahil tulad ni Bong, mukhang nalimutan na rin ng tao ang intriga tungkol sa sex video na lumabas.” dagdag pa nito.

Bigkas ni Lolit, dapat ay bigyan niya ng second chance ang mga taong nagkakamali tulad ni Revilla.

“Kailangan bigyan mo ng chance ang mga tao na bumabangon muli mula sa pagdapa, kailangan mas maunawain ka kapag iyon binigyan ng second chance nakabangon uli.” saad ni Lolit.

“Iyon bill ni Sen Bong Revilla na mas maaga ibigay ang benefits ng mga senior citizen pinuri na ng mga netizen, bakit heto si Jim Paredes na sarcastic tungkol dito?”
Larawan mula sa MSN
“Eh kung buweltahan naman siya nga sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng video, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya?”

Paliwanag ni Lolit, isa siya sa mga taong nagsabi na dapat unawain si Paredes noong mga panahong nagkamali siya.

Aniya, “Isa ako sa nauna noon na nagsabi na dapat unawain natin ang kalagayan ni Jim Paredes kahit pa nga tinawag niya ako demented woman, dahil tanggap ko na sa isang nagkamali, napakalaking bagay iyon meron kahit isa man lang na magpakita ng pang unawa at ng bukas puso na patawad.

“Sana after ng viral video niya, mas naging maluwag na ang puso at isipan ni Jim Paredes.

Basahin ang buong post ni Lolit sa ibaba:

“Naku ha Salve mukhang nalimutan na ni Jim Paredes ang video niya noon at tumitira na naman siya ngayon at ang target, si Bong Revilla naman. 

“Dapat nga masaya siya dahil tulad ni Bong, mukhang nalimutan na rin ng tao ang intriga tungkol sa video na lumabas. Kailangan bigyan mo ng chance ang mga tao na bumabangon muli mula sa pagdapa, kailangan mas maunawain ka kapag iyon binigyan ng second chance nakabangon uli. 
Larawan mula sa KAMI
“yon bill ni Sen Bong Revilla na mas maaga ibigay ang benefits ng mga senior citizen pinuri na ng mga netizen, bakit heto si Jim Paredes na sarcastic tungkol dito? Eh kung buweltahan naman siya nga sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng video, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya? Isa ako sa nauna noon na nagsabi na dapat unawain natin ang kalagayan ni Jim Paredes kahit pa nga tinawag niya ako demented woman, dahil tanggap ko na sa isang nagkamali, napakalaking bagay iyon meron kahit isa man lang na magpakita ng pang unawa at ng bukas puso na patawad.

“Sana after the ng viral video niya, mas naging maluwag na ang puso at isipan ni Jim Paredes. After all, kung nakagawa ka ng mali, dapat makita mo rin na walang perfect at kung tinanggap ka uli ng tao dapat ganun ka rin mag-welcome sa iba. Huwag masyado political at fault finder Jim Paredes. Lagi mo balikan iyon araw na pumutok iyon sex video scandal. Maging aral iyon sa iyo. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa ibaba:

Carlos Jocson Cabrera Naawa ako dito kay Jim Paredes gusto ko ung mga kanta nila bilang apo.pero sana e clear nya intensyon nya kung may plano ba sya takbo for any public servant office?kaai kung wala anong sense bakit sya nagpapasaring sa mga ibinoto ng tao at nilagay sa pwesto sa governo maaaring iilan ang di sya binoto pero maliwanag na mas marami ang bomoto.so dapat igalang mo rin po un.

Taka Ra Kahit ayaw ko kay Bong, pero nag ka point siya about sa panukala niyang reward para sa 80, 90, at 100 years old Filipino. Yung kay Paredes, haha ewan ko. Siguro wag na lang mag salita kung alam mong may bahid dungis din pag katao mo. 

Rosaria Jung At wala sino man tao ang naging magandang ehemplo lahat me pag kukulang,pagkakamali ang mahalaga itinatama ang mali. A wound creates a scar,wound heals but a scar.