Barangay Chairman caught on cam while provoking a brawl during a wake - The Daily Sentry


Barangay Chairman caught on cam while provoking a brawl during a wake



Isang Barangay Chairman sa Malate, Manila ang diumano lasing at nanakit ng isang lalaki sa isang burol kahapon, Nobyembre 10, 2019.
Chairman Rommel Carreon / Larawan mula Facebook

Sa Facebook post ni Inday Contreras, ibinahagi nito ang video at kwento ng pagwawala ni Chairman Rommel Carreon ng Barangay 738, Malate Manila.

Ayon sa post ni Contreras, habang nagkwekwentuhan at nagkakatuwaan ang ilang mga kalalakihan  sa burol ng kanyang ama ay dumating si Chairman Carreon na nakainom at bigla nalang pinagmumura ang kanyang anak.

Dagdag pa ni Contreras, sinaktan raw ni Chairman ang kanyang anak.

Sa video na in-upload ni Contreras, hindi gaanong maliwanag ang pagkakakuha ngunit maririnig ang boses ni Chairman na galit habang nagmumura at tila hinahamon ang isang lalaki.

"Gaano katigas kaKaya mo ako?" maririnig na tanong ni Chairman sa isang lalaki.

Nagpatuloy pa ang pagmumura at pagsisigaw ni Chairman hanggang sa nagsalita na ang lalaking kinokompronta nito.

Wag niyo akong murahin hindi niyo naman ako pinapalamun eh,” sabi ng lalaki.

Papalag ka? Pumalag ka!” patuloy na paghahamon ni Chairman.

Dito na lumaki ang tensyon dahil sinaktan diumano ni Chairman ang lalaki. 

Sinaktan ako niyan eh, inano niya nga ulo ko eh,” maririnig na sambit ng lalaki.

Mas tumindi pa ang tensyon nang lumabas na ang babaeng kumukuha ng video na si Contreras. 

May video kana, G@go ka!” sabi ni Contreras.

Tandaan mo yang ginawa mo sa anak ko, idadaan kita sa proseso. May video ka!” sigaw ni Contreras.

Narito ang buong post:

“This happened awhile ago..

Brgy 738

nag kwentuhan at nagkakatuwaan lang mga bata bigla lumapit si chairman naka inom bigla nalng pinagmumura ung anak ko na wala naman ginagawang masama sknya.di ba kami pwde mag saya khit namatayan kami? ast wake na bigla mo Papaalisin nasan ang puso mo chairman ka pa man din na ginagalang nmin pero ung gnwa mo maling mali ...

alam nmin wala kami laban sayo dhil sabi mo malakas ka kay mayor isko..

Last night ng papa ko ndi mo na ginalang. Sinaktan mo pa anak ko. Pasensya ka kami kinante mo. Wala ginagawa sayo anak ko, ndi na nga nasagot sinaktan mo pa. Viral ka na ngayon chairman

Walang ginagawa sayo anak ko pag iinitan mo? Pati tatay ko na nakaburol binastos mo? 

Walang ka kwenta kwentang bagay nanggulo at nanakit ka? Power triping ka!!! Lagi ka ganyan sabi ng mga constituent mo pag lasing ka.”

Panoorin ang video na in-upload ni Contreras:


Narito ang video ng aktuwal na pananakit ni Chairman sa lalaki:



***