Grupo ng mga estudyante, tinulungan ang lolo na pulutin ang mga natapong butil ng bigas sa kalsada - The Daily Sentry


Grupo ng mga estudyante, tinulungan ang lolo na pulutin ang mga natapong butil ng bigas sa kalsada





Viral ngayon sa social media ang isang lolo matapos i-upload sa Facebook page ng Energy Fm 107.7 Kalibo ang isang video kung saan mapapanuod ang nangyari sa kaawa-awang matanda.


Kumurot sa puso ng maraming netizen ang video ng lolo na taga Kalibo. Sa video, makikita ang lolo na namumulot ng bigas sa kalsada kung saan tinutulungan sya ng mga kabataan na mamulot ng mga nagkalat na butil nito.

Kinilala ang matanda na si Lolo Dominador Nading Serrano.

Mapapanuod sa viral clip na tinutulungan ng mga estudyanteng babae si Lolo Dominador na mamulot ng mga bigas na nagkalat sa kalsada. Ang mga estudyante ay ang basketball girls na naga-aral sa Altavaz National High School sa Kalibo.


Marami ang nagtaka kung bakit namumulot ang kaawa-awang lolo ng bigas. Paliwanag ng mga kabataan na tumulong dito, nabitiwan ng lolo ang supot ng bigas kaya nagkalat ang mga ito sa kalsada.

Ang dahilan umano kaya pinipilit pa din ng matanda na pulutin ang mga ito, ay dahil walang makakain ang kanyang misis at anak na pawang mga paralisado na. Kaya naman wala syang ibang maaasahan na bumuhay sa kanilang pamilya kundi sya lamang at isa pa nyang anak na lalaki.

Kaya naman hindi na nakapagtatakang sa kabila ng katandaan ni lolo, pilit siyang kumakayod at nagbebenta ng gabi upang may makain ang kanilang pamilya.

Marami ang nagpaabot ng tulong kay lolo na dahil sa viral video at sa tulong na rin ng Energy FM sa kanilang lugar na siyang sumubaybay sa kwento ni lolo.

Binisita ng news anchor mula sa Energy FM na si Archie Hilario sa tahanan ni Lolo Dominador. Doon, nasaksihan nila ang tunay na kalagayan ng kanyang pamilya.

Binigyan nila ng pera ang pamilya ni Lolo Dominador upang may magamit para sa kanilang munting negosyo.

Binilhan din nila ng cake at mga pagkain mula sa Jollibee ang pamilya ni lolo para sa kanilang munting salu-salo.

Nagbigay naman ng mensahe sa isang video ang mga estudyanteng tumulong kay lolo. Naging emosyonal ang matanda na malaki ang pasalamat sa mga batang tumulong.

Bibigyan umano ng paaralan ng pagkilala ang mga tumulong na estudyante dahil sa kabutihang pinakita ng mga ito kay lolo.

Panuorin:


Source: KAMI