Modus daw ng lalaking ito ang magpanggap na hihimatayin para makapambiktima - The Daily Sentry


Modus daw ng lalaking ito ang magpanggap na hihimatayin para makapambiktima



Litrato mula kay Jessant Go
Isang netizen ang nagbabala sa publiko tungkol sa modus ng isang lalaki na kung saan ay kunwaring hihimatayin para makapambiktima.

Ayon sa nagpost, magpapanggap na magysakit at biglang hihimatayin ang lalaki para kaawaan at bigyan ng pera.

Ayon kay Jessant Go na syang nagpost, pati si Mayor Isko Moreno ay nabiktima na nito. Nito nga lang daw nakaraang Oktubre ay nagkunwareng nahimatay sa may hagdanan sa City Hall ng Manila at siya'y nakaisa ulit.


Narito ang buong babala ni Jessant Go sa kanyang Facebook account:

MAG-INGAT SA BUDOL-BUDOL NA ITO!

Kahit si Mayor Isko Moreno at Manila City Hall "nabiktima" na niya..

Ang modus niya ay magkunwareng maysakit at bigla hihimatayin para kaawaan at magkapera.

Sa City Hall of Manila nga nitong nakaraang Oktobre nagkunwareng nahimatay sa may hagdanan, edi nataranta mga tao doon at presto nakaisa nga siya.

Bago ang insidente sa Manila City Hall, bistado na siya sa Albay at Sorsogon.

Sasakay ng pampasaherong van papuntang Legazpi City sa Albay at aarte siya sa kalagitnaan, bandang Putiao o Castilla at mahihimatay.

Kapag nasa Albay naman, sasakay ng jeep at bigla ulit mawawalan malay para dalhin sa ospital at kaawaan para magkapera.

Sa may Gregorian Mall sa Old Albay District, ganyan din ang akting umano nito. Nakunan pa nga siya na nanghihina kunware.


Pati ang Tulong Center ng LGU sa Castilla, Sorsogon ay naisahan din niya.

Pinakamatindi na performance record ng kupal lord na ito ay ang maisahan ang mga taga Manila City Hall at dahil nga napakabait ni Manila Mayor Isko Moreno, siya ay tinulungan matapos na magpanggap na nahimatay at bumagsak sa kagustuhan umano makita personal ang Man of the People na si Mayor Isko dahil sa pagsunod daw sa kahilingan ng may kanser na ama.

Magaling ang utak pero sa panloloko ginagamit ng hinayupak!

LIKAS NA KASI SA MGA PILIPINO ANG PAGIGING MAAWAIN AT MATULUNGIN, KAYA MAY ILANG KABABAYAN DIN NATIN ANG NANANAMANTALA.

WALANG PROBLEMA KUNG NATULUNGAN ITONG KUPAL NA ITO KASO SA PATULOY NIYA NA PAG GAWA NG GIMIK O STUNT PARA MAKAPANLAMANG SA KAPWA, DAPAT LANG MABIGYAN BABALA ANG PUBLIKO.

Ang tulong kasi dapat sa mga tunay na nangangailangan.

Naisahan na din daw nito ang programa ni Idol Raffy Tulfo.

SIYA AY NAKILALANG SI DANIEL PERETERO JEBULAN ALYAS BALELENG.

DARATING ANG ARAW LALASAPIN NITO ANG KARMA SA PINAGGAGAWA NIYA.

Magbago ka na habang may panahon pa! Baka yan ikamatay mo na panloloko lalo na kung magpokus ka na talaga sa Metro Manila. Mayayari ka! Magbalik loob ka sa Diyos habang hindi pa masyado malala ang nagagawa mo.


Narito ang ilang mga litratong pinost ni Jessant Go:








Source: Jessant Go / Facebook