The Daily Sentry: Public Service
Showing posts with label Public Service. Show all posts
Showing posts with label Public Service. Show all posts

Isang electrician, sampung araw na naglakad mula sa Sorsogon hanggang Daraga,Albay matapos maloko at iwanan nang walang sahod

12:58 AM


Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay  PPO


Kaawaa-awa ang sinapit ng isang lalaki matapos matagpuan ng mga Pulis sa Daraga, Sorsogon na nakaupo sa tabi ng kalsada, mukhang pagod na pagod at may dalang karton na naglalaman ng kanyang mga pinagdaanan at mga hinaing.

 

Sampung araw na umanong naglalakad ang lalaking ito para makauwi na sa kanilang probinsya sa Oriental Mindoro. *


 

Ayon sa tauhan ng Daraga Police, nakita nila nitong Martes Enero  4, ang isang lalaki na nagpakilala sa kanila na si Justine Chua, 42 at isang electrician at residente ng San Antonio, Gloria, Oriental Mindoro base na rin sa mga dokumentong pinakita nito.

 

Kwento pa ng lalaki, napilitan na syang maglakad sa loob ng sampung araw para lamang makauwi na sa kanilang bahay sa Gloria, Oriental Mindoro matapos siyang lokohin ng contractor na kumontrata sa kanya.

 

Aniya, nagpunta sila sa bayan ng Sorsogon noong Oktubre 2021 kasama ang kanyang contractor para mag trabaho sa isang construction umano ng building ng isang kilalang fastfood chain.

 

Subalit bago magtapos ang Disyembre ay iniwan sya ng nasabing contractor na nag-hire sa kanya at hindi binigay ang kanyang sahod matapos syang magtrabaho ng tatlong buwan dito. *


 

Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay ppo


At dahil umano sa wala syang mahingan ng tulong sa Sorsogon kaya nagpasya na siyang umalis at maglakad ng sampung araw upang makatipid hanggang makarating na nga sya sa bayan ng Daraga, Albay.

 

Naabutan nina Staff Sgt. Diane Lubiano at Cpl. Melrose Ansano ng Daraga police ang kaawa-awang electrician sa tabi ng kalsada, at agad namang humingi ito ng tulong sa kanila.

 

Ayon pa sa mga pulis, may hawak na malaking piraso ng karton si Chua na may nakasulat ang wari’y kaniyang mga pinagdaanan at hinaing matapos lokohin ng kaniyang contractor.

 

Agad namang binigyan nina Lubiano at Ansano si ginoong Chua ng pagkain, inumin, gamot at damit matapos upang maibsan ang gutom nito.


 

Maging ang mga personal na gamit ni PCMS Ma. Cherry Abion, na walang pag-aalinlangang ibinigay na kay Chua, upang magkaroon sya ng gagamitin sa kanyang pagbalik sa kanilang probinsya. *

 

Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay ppo


Sinamahan na din nila ang electrician sa tanggapan ng Albay Public Safety Management Office kung saan nabigyan din ito ng tulong pinansyal na kaniyang ginamit pauwi ng Oriental Mindoro.

 

Hinatid na din ng mga tauhan ng pulisya si Chua sa terminal ng bus upang ligtas na makauwi sa kaniyang probinsya sa Oriental Mindoro.

 

Masayang masaya si Chua at taos pusong nagpapasalamat sa dedikasyon at malasakit na ipinakita sa kanya ng mga tauhan ng Daraga Police na kung di dahil sa kanila ay marahil patuloy pa rin sa paglalakbay ang lalaking ito.


 

Nais lamang na makapagtrabaho ng marangal ang ating kababayan kahit maliit na katumbas lang ang kita para may maiuwi sa kanyang mga mahal sa buhay.

 

Ngunit may mga ibang tao talaga na walang mga awa at tinakasan na din ng kanilang konsensya. Paano nila naaatim matulog sa gabi sa kabila ng pangloloko nila sa kanilang kapwa. *

 

 

Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay ppo

Isang matandang babae, tinitiis ang paglalakad ng malayo kahit tirik ang araw makapanglimos lamang ng barya para sa anak na may sakit

10:49 PM


Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin

 

Isang netizen ang nakapansin sa isang matanda na pagala-gala at palagi nyang nakakasalubong tuwing umaga sa kanyang pagpasok sa trabaho.

 

Ayon sa netizen na Joanna Demeri, madalas nyang nakikita ang matandang ito na animo may pupuntahan o di kaya ay papasok din sa trabaho na may bitbit ng mga bag. 


 

Ngunit nang kanyang makitang muli ang matanda at namamalimos ito ng kahit sa kauniting bariya lamang sa bawat taong nakakasalubong nya sa daan,

 

Kahit tirik ang araw at sobra ang init ay tinitiis ng senior citizen na ito ang hirap at pagod makapang limos lamang.

 

Nakaramdam ng pagkahabag ang ating netizen, hanggang sa nagkaroon sya ng pagkakataong makausap si nanay. Nalaman nya ang pangalan ng matanda na si nanay Estella. Sabi sa kanya nito, nagagawa nyang mamalimos para sa anak nyang may sakit.

 

“Tinanong ko bakit sya namamalimos sabi nya para daw may pambili  sila ng pagkain ng anak nyang may sakit. Yun daw ang kasama nya sa bahay.” Ani nanay Estella.

 

At dahil sa kanyang katandaan ay wala ng tatanggap sa kanya upamg makapagtrabaho at hindi na marahil kakayanin ng mahina nyang katawan. *

 

Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin


Kaya naman kahit malayo ang kanyang nilalakad ay lakas loob nyang kinakaya ang makapanlimos na lamang sa mga tao, “Naawa ako sa knya. Sobra init at malayo ang nilalakad. Isang beses din nakita ko sya sa gilid ng daan kumakain dala  ung baon nyang pagkain.” Ayon pa kay Joanna.


 

Dala ng awa at udyok ng damdamin ni Joanna kaya naisipan nyang ibahagi ito sa social media.  At para na din maipanawagan nya sa mga netizens na matulungan ang matanda.

 

“Baka nakikita o nakakasalubong nyo sya.Sana kapag humingi o nakita nyo sya abutan nyo si nanay kahit barya lang malaking tulong na po un para kay nanay at sa anak nsyaang may sakit.” Kwento pa ng netizen.

 

Halos mapaiyak na lamang si Joanna sa kalagayan ng matanda. Hindi nya lubos maisip ang kahirapang pinagdadaanan nito at kung tutuusin ay nagrerelax na lamang sya sa huling yugto ng kaniyang buhay dito sa ibabaw ng mundo. *


Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin


 

“Pinipigil ko lang ung luha ko sa mga kwento ni nanay. Wala kong magawa gsto ko sya tulungan.” Dagdag pa ng netizen/uploader.


 

Isang ehemplo ng ulirang ina si nanay, dahil sa kabilang ng kanyang katandaan at kaninaan, ay patuloy pa din nyang inaasikaso ang kanyang anak na may karamdaman. Bukod pa dito, ito na lamang ang kasama nya sa buhay.

 

Dagdag pa ni nanay, ginagawa nya ito alang-alang sa pagmamahal nya sa kanyang anak. Kaya naman nangako ito na kapag gumaling ito ay hindi na kailangan ni nanay ang magtrabaho pa.

 

“Sabi pa nga daw ng anak nya sa kanya na kapag gumaling dw sya hindi mo na kailangang gawin yan nay.” Ani pa nito. 

 

Madalas ko sya makasalubong kala ko nung una may pupuntahan lang sya. Pero isang beses nakita ko sya namamalimos. Naawa ako sa knya. Sobra init at malayo ang nilalakad. *

Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin

Panawagan ni Joanna sa mga tao ng maging mapagbigay lalo na sa matatandang katulad ni nanay, dahil napakalaking bagay na ang mga bariyang ibibigay natin para sa kanila na maaring malaking ginhawa na ito sa kanila.

 

"Sana kapag humingi o nakita nyo sya abutan nyo si nanay kahit barya lang malaking tulong na po yun para kay nanay at sa anak nyang may sakit.”

 

Ayon naman sa mga komento ng mga netizen sa post ni Joanna, sinasabi nila na si nanay Estella nga daw ay may anak na may sakit.


Dagdag pa nito, marami din umano itong anak, ngunit sa kasamaang palad ay pinapabayaan na lamang sya at hindi na iniintindi.

 

Madami naman sa mga netizen ang nais magbigay ng tulong, at nais pa nilang puntahan ang kinaroroonan ni nanay Estella upang personal na mai abot sa kanya at makausap na rin ito.


 

Hindi nabigo si Joanna sa kanyang pagpost at panawagan na mabigyan ng kaunting tulong ang matanda, bagkus dumagsa pa ito at patunay lamang na madami pa ding mga Pilipino ang may mabubuting kalooban at handing tumulong sa nangangailangan. *


Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin



Nakakabighani ngunit lubhang mapanganib, Ano nga ba ang "Square waves" at bakit dapat lumayo dito

5:20 AM

 

Photos courtesy of Wikipedia and Youtube


Mayroon palang isang klase ng alon na makikita sa karagatan, na kung tawagin ay cross sea o Square waves sa karamihan. Madalas itong makikita malapit sa dalampasigan na may hugis parisukat na alon na nakakamanghang pagmasdan.


Madalas natin itong makita sa mga science programs o articles at talaga namang nakakamangha itong panoorin.  *



Ngunit kung sa inaakala natin na nakakabilib ang pangyayaring ito, huwag na nating naisin pang makakita nito sa tunay na buhay dahil sa peligrong dala nito.


Alam nyo na sa kabila ng nakakabilib na straktura ng alon na ito sa karagatan ay may dala pala itong panganib sa sino mang maaabutan nito.


Delikado pala ang sinasabing square waves o cross sea na ito. Ayon sa paliwanag ng mga eksperto ukol sa square waves, ito ay ang mga alon na hugis parisukat na kilala rin sa tawag na ‘cross sea’.


Ayon sa mga eksperto, ang square waves ay nagiging sanhi ng pagsasalubong ng dalawang magkasalungat na direksyon ng dalawang magkaibang karagatan na kung saan ay nagsasalpukan ang mga alon sa magkaibang direksyon na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hugis parisukat na umaabot hanggang sa baybayin ng dagat.



Maari ding maging  senyales o sanhi ng pamumuo ng mga bagyo ang square waves sa tuwing makikita ito malapit sa mga karagatan. *


Photo courtesy of Wikipedia


Ang sino mang maabutan ng square waves na ito ay delikado lalo na kung ikaw ay malapit sa baybayin. Kaya naman sinasabing kapag nakakita ka na nito ay agad na lumikas at lumayo sa along parisukat.


Bakit nga ba mapanganib ang square waves? Dagdag pa ng mga eksperto, ang along parisukat na ito ay nagtataglay ng matataas na current o ang agos ng tubig mula sa dagat kung saan ay maaring tangayin ang sinuman, maging ang mga sasakyang pandagat at higit sa lahat ay ang mga tao.


Maging mga malalaking barko ay kayang-kaya palubugin ng mapanganib na square waves kahit pa ito ay gawa sa matitibay at mabibigat na bakal. 



Dagdag pa nito, sa oras na ang isang tao ay matangay ng square waves ay siguradong  mahihirapan na itong makaalis at makalayo rito dahil ito ay tatangayin na papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat. *


Photo courtesy of Youtube


Kaya naman nawa'y magsilbing babala ito sa sinoman na malapit sa baybayin o di kaya sa mga mahilig lumangoy sa dagat. Maging alerto sa mga square waves upang maiwasan ang anumang sakuna dahil sa malalakas na alon na tatangay sayo papalayo at maari mong ikalunod.


Bukod pa dito, ang square waves ay nakakabuo din ng tinatawag na "Riptides" kung saan ay nabubuo ang malalakas at malalaking alon at nagdudulot ng malalakas na pag agos o current na maaaring tangayin papalayo sa baybayin ang sino mang mata-trap dito.



Marami-rami na rin ang napapa-ulat na nasawi dahil sa pagkalunod bunsod ng pagkakatangay ng mga ito dahil sa square waves.


Marami naring naiulat na mga bangka at barko na nawawala at lalo na ang mga mangingisda na higit na nabibiktima ng mapanganib na square waves. Kaya sana ay magsilbing paalala at babala ito patungkol sa square waves. *


Photo courtesy of Social News Daily


Isang lola muntik nang mabiktima ng budol-budol ang perang pinaghirapan mula sa pagiging kasambahay

7:24 AM

Screencap photos from News5


Paano na lang kung ang pinaghirapan mong pera na inipon mong sweldo mula sa pagtatrabaho ng ilang dekada ay mawawala lang sa isang iglap dahil sa mga budol budol gang?


Yung perang inaasahan mong magagamit mo pagdating ng panahon na ikaw ay magre-retire na upang may magamit ka sa panahon ng pangangailangan, lalo pa at ikaw ay matanda na.*


Sa balita ng News 5, isang senior citizen na babae ang muntik nang mabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng "budol-budol gang" sa Anonas, Quezon City. 


Ayon sa Kuwento ng biktima, na kinilalang si lola Lourdes Pascua, 78 na taong gulang, papauwi na sya sa kanilang bahay nang may lumapit sa kanyang babae at nagtatanong kung saan ang malapit na grocery.


Dahil sa nais makatulong ng matanda, agad nyang sinabi na malapit lamang ang grocery. Nagpasama pa umano ang nasabing babae kay lola lourdes para ituro ang nasabing grocery.


Pagkasakay sa sasakyan, nakita ni lola Lourdes na may anim na kasama ang babae at ipinakita sa kanya ang isang katerba umanong dolyares at nagpatulong ito sa kanya kung papaano papalitan ng peso.


At dahil tila nawala na sa wisyo ang matanda, inalok sya ng mga suspek na kung pwedeng sya na lamang ang magpalit ng mga dolyares. *


Screencap photos from News5



Pumayag naman ang matanda at bumalik sila sa kaniyang bahay upang kunin ang kanyang passbook. Tiningnan pa umano ng mga suspek ang libreta ng matanda at nakita ang malaking halaga na inipon nito mula sa 30 taon na pagtatrabaho bilang kasambahay.


Ani ng mga suspek, dodoblehin nila ang laman ng kanyang libreta na nagkakahalaga ng P200,000 at gagawin itong P400K.


Pumunta sila sa bangko upang widrawhin ang laman ng bank account ni lola Lourdes. Ngunit sa kabutihang palad, hindi alam ng mga suspek na kilalang regular na kliyente si lola sa nasabing bangko.


Agad na nagduda ang mga guwardiya ng nasabing bangko, at kanilang ipinagtataka ay kung bakit napakalaking halaga ang wiwidrawhin ng matanda at sa labas pa umano ng bangko nagsusulat ng bank widrawal slip si lola Lourdes at ang mga di kilalang babae na kasama ng matanda. *


Screencap photos from News5 and ABS CBN News


Salamat na lamang at alerto ang mga gwardia at mabilis itong tumawag sa barangay at inalerto ang mga pulis na naka-duty sa nasabing lugar.


Nakatunog ang ilan sa mga miyembro ng budol budol gang at isa-isang nagpulasan. Mabuti na lamang at naabutan ang isa nilang kasama na aktong tatakas na sana.


Nang kapanayamin si lola Lourdes tungkol sa pangyayari, "Parang nawala ako sa pag-iisip, sumusunod na lang ako sa kanila. Mabuti na lamang at mabait ang Panginoon." ani lola Lourdes.



Laking pasasalamat ni nanay Lordes sa mga gwardiya, mga kawani ng banko at ng barangay. Inipon daw nya ang perang ito mula sa pagtatrabaho bilang kasambahay sa napakahabang panahon para magamit nya sa kanyang retirement lalo pa't mag-isa lamang sya sa buhay.


Kaawa-awa sana ang kahahantungan ni lola Lourdes kung hindi ito naagapan ng matalinong mga gwardiya ng nasabing bangko. Patunay lamang na totoo ang kanilang concern sa kanilang mga kliyente sa bangkong ito.


Maraming salamat sa mga gwardiya dahil naagapan ang pambibiktima kay lola Lourdes. Kasalukuyang nakapiit ang nahuling suspek ng budol budol gang. *


Screencap photos from ABSCBN News


Banyaga na naabutan ng lockdown sa isla ng Boracay nanawagan ng tulong upang makauwi na sa kanyang bansa

7:43 AM


     Photos courtesy of Facebook
                                                          

Kilala ang isla ng Boracay bilang isang paraiso para sa mga bakasyonista at mga dayuhang turista sa buong mundo. Sa katunayan isa ito sa pinaka magandang beach na talaga namang hinahangaan ng mga dayuhan.


Kahit sino marahil ang tanungin kung saan nila nais magbakasyon, ay siguradong sa isla ng Boracay ang kanilang bukang bibig.  *


Dahil dito, maraming mga banyagang turista ang nabibighani sa mala paraisong isla na ito. Samu't saring karanasan ang nakapaloob sa isla na ito, mayroong masasayang mga alaala at mayroon din namang hindi kaaya-aya.


Isa na rito ang kwento ng banyagang turistang kinilalang si Kevin Lench, isang Canadian. Isa si Kevin sa mga nais maranasan ang kagandahan ng Boracay.


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, naipit si Kevin sa Boracay dahil sa pagde-deklara ng lockdown dahil sa dulot ng pandemya.


At sa pagnanais ni Kevin na makatipid, upang hindi agad maubos ang kanyang dalang pera na mula pa sa mga taon ng pag-iipon mula sa kanyang pera, ay sa isang covered court na lamang ito namalagi.


Dahil dito, hindi pinalampas ng masasamang loob si Kevin, at siya ay pinagnakawan. Tinangay lahat ng kanyang gamit mula cellphone, mga damit, ATM at iba pa. *


    Photos courtesy of Facebook


Walang itinira sa kanya na kahit anuman. Sinubukan nyang humingi ng tulong at dahil siya nga ay isang dayuhan ay walang naglakas ng loob na tumulong sa kanya. Hindi na rin nya mailarawan ang pagkakalinlan sa mga salarin.


Hanggang sa tuluyan ng nanghina si Kevin at nagkasakit si Kevin at ngayon ay nakaconfine sya sa isang ospital sa Palawan dahil sa sakit sa liver. Wala siyang kasamang kamag-anak o kaibigan man lamang ng magsimula ang lockdown.


Mabuti na lamang ay may mga mabubuti pa ring mga tao na kahit papaano ay tumutulong sa kanya upang maipagamot sya at tinutulungan siyang makauwi ng Canada.


May isang netizen ang nagmagandang loob at ibinahagi sa social media ang kanyang kalagayan at ipinanawagan ito upang mabigyan ng pansin at tulong ng din.


"Hello po, sana po ay may nakakakilalala pa sa kanya, siya po si Kevin Lench Canadian po sya. Nagbabakasyon po parati sya dito sa Boracay. Siya po ay naabutan ng lockdown at hindi na sya nakauwi hanggang ngayon. Kinuha raw ang kanyang mga ATM, at cellphone, Sana po ay matulungan nyo po sya, wala po sya pamilya dito, nagkasakit po sya sa liver at sa ngayon po ay nasa hospital sya. Sana po matulungan po natin sya." ani ng isang concerned netizen sa social media. *





Isang Non-profit Organization sa Laguna, Handog ay libreng pabahay at pagkain para sa mga nangangailangan.

2:22 AM
Ang The Blue Cross Shelter & Relief Center ay isang Non-profit organization sa Barangay Macabiling Santa Rosa, Laguna na mayroong napagandang adhikain ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens.

Samu't saring paraan nga ngayon ang nababalitaan kamakailan lang sa social mediä upang makatulong sa mga kapwa natin na hirap sa panahon ngayon.


ONE Philippines | Facebook


Isa na rito ang community pantry na nauuso ngayon sa iba't ibang sulok ng Pilipinas na nagbibigay ng libreng pagkain para sa mga masang Pilipino.

Ngunit iba naman ang paraan ng The Blue Cross Shelter & Relief Center na halos kumpleto na ang inihahandog sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Tampok sa post ng Facebook page na ONE Philippines kamakailan lang ang pa-libreng tirahan, pagkain at kuryente para sa mga homeless na inilusad ng nasabing organisasyon.

ONE Philippines | Facebook

ONE Philippines | Facebook


Ayon sa Facebook post ng ONE Philippines, para ito sa mga kababayan nating walang matuluyan, walang mahanap na malilipatan o mga pinapalayas na mga nangungupahan.

Kasama rin ang mga single parent na walang kakayanan o walang pinagkakakitaan ngayong panahon ng pand3mya.

Bukod sa libreng masisilungan, tubig at makakain. Kasama na rin dito ang ilang mapaglilibangan gaya ng table tennis at basketball sa loob mismo ng lugar ng kanilang matutuluyan.

ONE Philippines | Facebook

ONE Philippines | Facebook


Isang priväte property sa Laguna ang kinaroroonan ng ilang tents na may kasama sa loob ng double deck na tinatayang sasapat sa pamilyang may 3-4 miyembro.

Nilinaw sa Facebook post na ang programa ng pagtulong na ito ay walang bayad at maaaring manirahan dito hanggang sa magkaroon ng permanenteng matitirahan.

Ang pagtulong na ito ay para sa lahat ng mga nangangailangan.

ONE Philippines | Facebook

ONE Philippines | Facebook


Upang mapabilang sa mga natutulungan ng organisasyon, maaring mag tungo lamang sa kanilang tanggapan sa tabi nang centenial garden barangay macabling Santa Rosa Laguna para sa isang interview na ginaganap mula Lunes hanggang Biyernes.

Sana'y magpatuloy pa ang magandang adhikain at layuning ito ng The Blue Cross Shelter and Relief Center at mabigyan pa sila ng sapat na kakayahan para mas marami pa ang kanilang matulungan.

ONE Philippines | Facebook

ONE Philippines | Facebook


Lola nagtitinda ng BBQ stick sa halagang P25 na kita kada araw, mag-isang tinataguyod ang anak na PWD at apo nito

3:55 AM

Screencap photos from Youtube @Marilou Labanes


Walang makakapantay sa pagmamahal na ibinibigay ng isang ina sa kanyang mga anak. Ang ating ina na nagsisilbing liwanag sa ating madilim na hinaharap lalo na sa oras ng kagipitan.


Ngunit paano na kung ang ating ina ay may katandaan na sa buhay, halos hirap na kumilos at maghanap buhay para sa kanyang mga anak. *


Ito ang kaawa-awang kalagayan ng isang matanda, kasama ang kanyang anak na may kapansanan sa pag-iisip at ang anak nitong bata na halos wala pang dalawang taong gulang. 


Ibinahagi ito ng isang netizen at kapitbahay nya na kinilalang si Marilou Labanes, ibinahagi ni Marilou ang video ng kalagayan ng mag-ina at apo nito.  Lubhang nakakaawa ang kalagayan ng mag-anak na ito.


Tanging si lola lamang ang bumubuhay sa kanila, siya rin ang nag-aasikaso sa pangangailangan nila sa bahay gaya ng pagluluto ng kanilang pagkain, pagsalok ng tubig, maging paghahanap buhay at iba pa.


Kwento ni lola, ang kanyang anak na may sakit sa pag-iisip ay nabuntisan ng di pa nakikilalang lalaki at ngayon ay siya rin ang nag-aalaga dito.


Tanging si lola lang ang nagtataguyod sa kanilang mag-iina at ang kanilang ikinabubuhay ay lamang ay ang pagbebenta ng barbecue sticks na inaalok ni lola sa palengke na. *


Screencap photos from Youtube @Marilou Labanes


Base sa kwento ni lola, kanyang tinitinda ang mga barbecue sticks sa murang halaga na limang piso bawat isang daang piraso ng barbecue sticks. 


At sa loob ng isang araw ay limang daang piraso lamang ang nagagawa niya at kaya naman 25 pesos lamang ang kanyang kinikita.


Ang napagbentahang pera ay ipinambibili niya ng bigas na mais na kanilang kakainin sa loob ng ilang araw. Kwento pa ni lola, mayroon din namang mabubuting puso na nagbigay sa kanila ng dalawang kilong bigas na pinapakain niya sa kanyang apo at asukal na lamang ang kanilang ulam.


Nais sana ni lola na mabigyan ng maayos na tirahan ang kanyang anak at apo bago man lang siya tumanda ng tuluyan at hindi na makapaghanap buhay.


Sa hirap ng kanilang buhay, minsan nasasabi ni lola na mas maganda pa sigurong mamatay at sa sementeryo na lamang tumira.


Nais ng netizen na si Marilou, na manawagan ng tulong sa mga may mabubuting puso para kay lola at sa kanyang anak na may kapansanan sa pag-iisip at sa kanya ding apo. *


Screencap photos from Youtube @Marilou Labanes


Batang magkapatid na magkayakap habang natutulog sa tabi ng kalsada umantig sa mga netizens

9:11 PM


Photos courtesy of Nahara Pagayawan


Marami ang naantig ang damdamin sa larawan ng batang magkapatid habang natutulog ito sa tabi ng kalsada, na tila basa sa ulan at pagod na pagod mula sa pagtitinda ng sampaguita at pamamalimos sa mga motorista.


Nakakadismaya lang isipin na sa kabila ng progresibong pamumuhay natin ngayon ay patuloy pa rin ang pagdami ng mga batang lansangan na pinapabayaan ng mga magulang o di kaya naman ay tuluyan ng inaband0na. *



Karamihan sa mga batang ito ay napakamura pa ng edad para magpalaboy sa kalsada at lubhang mapanganib para sa kanila ang manatili sa kalsada.


Kagaya na lamang ng mga larawan ng batang magkapatid na nagviral sa social media na kumurot sa puso ng maraming netizens.


Ibinahagi ng netizen na si Nahara Pagayawan ang nasabing larawan ng paslit na magkapatid na ito, kung saan makikita ang batang babae na nasa mahigit walong taong gulang na karga at kayakap ang nakababata nyang kapatid habang ang mga ito ay nakaupo sa tabi ng kalsada at natutulog.


Hindi marahil namalayan ng batang babae na nakatulog na sila ng kanyang musmos na kapatid marahil dala ng matinding pagod at gutom kaya kahit maulan ay nakatulog na sila ng nakaupo. 


Sa mga sumunod na larawan naman ay makikita na ang magkapatid na naglalakad habang karga karga ng batang babae ang nakakabata niyang kapatid at may dala silang sampaguita. *


Photos courtesy of Nahara Pagayawan



Maulan pa ang paligid at basa ang magkapatid habang naglalako ng sampaguita sa gitna ng kalsada.



Mabilis na nagviral sa social media ang mga larawan ng mga paslit at umaabot sa 24K reactions, samantalang 9.5K ang mga nagkomento at mayroong mahigit sa 74K shares ito.


Maraming netizens ang nagnanais tumulong sa magkapatid at nahahabag sa kalagayan ng mga bata. Ang iba pa nga ay tina-tag pa sa programa ni sir Raffy Tulfo at umaasang matulungan ang nakaka-awang magkapatid.


May ilanng netizens naman na humihiling na sana ay mayroong mabubuting puso na magbigay ng tulong sa magkapatid kahit man lang mabigyan ng maayos at ligtas na matutuluyan ang mga bata dahil lubhang delikado din para sa mga ito ang manatili sa lansangan, lalo na at may panganib pa dulot ng pand3miya.



Nais ng lahat ng nakakita sa larawan ng magkapatid ay umaasang may magbibigay ng tulong sa mga bata lalo na ang ilang ahensya ng pamahalaan, gaya ng DSWD. *


Photos courtesy of Nahara Pagayawan


Delivery rider sige pa rin sa paghahanap ng nawawalang motor habang nakapark ito sa harap ng isang mall sa Marikina

8:35 AM

Photos courtesy of Facebook @Shecell Moreno

 


Malaki ang ginhawa ang naibibigay ng mga delivery rider service sa ating mga kababayan lalo na nitong nagdaan na lockdown dahil sa paglaganap ng krisis sa sakit na COVID.


Naging limitado ang ating galaw maging ang  paglabas ng ating mga bahay para bumili ng mga basic na pangangailangan natin sa pang araw araw gaya ng pamamalengke, pagbabayad ng bills at pagbili ng iba't iba produkto na kailangan nating gamitin. *



Salamat na lamang sa ating mga masisipag na delivery rider at lagi silang nandyan para maghatid serbisyo at lumalaban ng patas sa paghahanap buhay.


Ngunit paano na lamang kung silang maliliit na rider ay mawalan ng kanilang ka partner sa paghahanap buhay? Na sa maliit na kinikita ay pagnanakawan pa ng motorsiklong gamit nila sa pagdedeliver?


Katulad na lamang ng ibinahagi ng isang delivery rider na ito na nananawagan at humihingi ng tulong ngayon sa social media tungkol sa nawawala nyang motor na naka park lamang sa isang shopping mall sa Marikina.


Ayon sa Facebook post ng misis ng rider na ito, na si Shecell Moreno, kanyang ina-upload ang latrato ng motorsiklo ng kanyang asawa na kahit mag iisang linggo na ang nakaraan mula ng mawala ito ay patuloy pa rin nilang hinahanap. *



Photos courtesy of Facebook @Shecell Moreno



Maging ang kopya ng CCTV footage ng pagnanakaw mula sa barangay hall ng Marikina Heigths ay kanila na ring ibinahagi. Ngunit sa kasamaang palad at hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin nakikita ang motor at hindi pa rin alam ang pagkaka kilanlan ng dalawang suspek.


"Please po, paki tulungan naman ako. Ngayon lang po. Nawawala po iyong motor ko. Sa mismong labas ng Ayala Malls Marikina naka park," caption ni Shecell Moreno sa kanyang social media post  at bilang panawagan na din.


"Ito po ang kuha ng CCTV mula sa barangay ng Marikina Heigths kung saan ako ay nagpark sa mall," ani ng mister ni Moreno.


"Five days na po ngayon simula nang mawala ang motorsiklo ng asawa ko," dagdag pa ng misis sa kanyang caption nang magpost ito sa Facebook. *



Screencap photos from CCTV footage coutesy of Shecell Moreno



"Nakakainip maghintay lalo na kung anong update dahil habang naghihintay ay lalo kami nahihirapan dahil walang pamalit sa nawalang motorsiklo, kaya hindi makapag hanapbuhay," hinaing ng may bahay ng rider na nabiktima.


Samantala, maging ang mga netizens ay tumutulong na din sa paghahanap ng nawawalang motorisiklo ng mag asawang Moreno sa pamamagitan ng pagbabahagi din ng kanilang Facebook post.


Nagnanasa din ang mga netizens na makilala at mahuli na ang mga gumawa nito sa kanyang asawa para mabigyang hustisya at managot sa batas, Nais din ng mga ito na maging babala at magsilbing aral na din sa iba na maging maingat lalo na sa hirap ng buhay ngayon.



Nagpahatid naman ng simpatya ang mga netizens at umaasang marerecover pa ang motor ng delivery rider at madakip na din ang mga salarin na salot sa lipunan. *

Screencap photos from CCTV footage coutesy of Shecell Moreno



Isang grade 4 na estudyante, nagsauli ng bag na naglalaman 32k at iba pang mahahalagang dokumento sa PNP

6:54 AM


Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista


Pinapurihan kamakailan ng Alfonso Lista Municipal Police Station, bayan ng Ifugao ang isang batang siyam na taong gulang na kinilalang si Gernan Jay Garcia, Grade 4 student sa Alfonso Lista Central School, matapos mag sauli nito ng isang bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento at tatlumpu't dalawang libong piso (P32,000). *


Ayon sa balita, pauwi na sa kanilang bahay si Gernan nito lamang Disyembre 21 nang makita nya sa tabi ng daan ang isang itim na pouch bag na nag lalaman ng mga pertinenteng papeles gaya ng mga dokumento sa bangko, mahahalagang ID cards at malaking halaga ng cash na umaabot sa 32,000 pesos.



Agad umanong dumiretso sa nasabing tanggapan ng pulisya ang grade 4 student at kaniyang ipinagbigay alam sa mga pulisya ang tungkol sa napulot nyang pouch bag.


Labis naman ang paghanga ng mga tauhan ng PNP Alfonso Lista sa ipinamalas ng katapatan ng batang ito kaya naman kanila itong ibinahagi sa kanilang Facebook page account.


Nagbigay pa ng qoute ang PNP Alfonso Lista sa kanilang caption mula sa sikat na American author na si Napoleon Hill para isalarawan ang katangian ni Gernan, "When you are able to maintain your own highest standards of Integrity- regardless of what others may do - you are destined for GREATNESS." *


Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista


Kasabay nito, kanila nading inanunsyo sa publiko upang ipaalam sa tunay na nagma may-ari ng naturang bag upang kanila ng puntahan at kunin sa kanilang tanggapan.



At hindi naman nabigo ang PNP Alfonso Lista sa kanilang anunsyo dahil kinabukasan lamang, Disyembre 22 ay nagpunta na sa kanilang tanggapan ang nagpakilalang may ari ng nasabing bag kalakip ang pruweba na ito talaga ang totoong may ari.


Bilang pasasalamat ng may ari ng pouch bag kay Gernan, binigyan niya ito ng pera bilang reward at kanya ding pinasalamatan ang mga magulang ng bata dahil sa maayos na pagpapalaki nila sa kanilang anak.


Nais iparating ng Alfonso Lista Municipal Police Station sa ating mga kababayan ang pagiging matapat at integridad na taglay ni Gernan at nawa ay magsilbing ehemplo ang bata at karapat dapat lamang na gayahin ang ganitong mga katangian.*


Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista


Nagpaabot naman ng pasasalamat at paghanga kay Gernan ang mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:



"Ito ang patunay na may mga kabataan pading pinalalaki ng maayos ng mga magulang. Congratulations to the parents who inculcated the moral values to this kid! Nakakaproud! God bless you "


"Maayos Ang turo Ng magulang. Proud sa iyo Ang magulang mo. Pati teacher mo I'm sure very proud din sa iyo. Isinasabuhay mo ang kabutihang asal na natutuhan mo. Good job young man!"


"Sa gantong mga bata sana nag iinvest ang government. Sana mabigyan sya ng karampatang atensyon na mapag aral at maging mabuting ehemplo sa mga mas madami pang kabataan. Poverty will not be a reason para gumawa ng masama. At young age may prinsipyo nang tama. Kailangan na lamg hubugin." *

Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista



"Dito tayo sa mabubuting balita, kahit mahirap ang buhay may mga tao pa ding may busilak na puso. Sa panahon ng pandemic at magpapasko makakatagpo pa rin tayo ng mga batang mabubuti ang kalooban. God bless you at salute sa magulang ng batang ito!"



Samantala, nagviral naman ito sa social media at naging laman din ng mga balita. Marahil na rin sa kapupulutan ito ng magandang aral ng ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan. 


Sa kabila ng kabi kabilang hindi mga magagandang balita gaya na lamang ng nakaraang trahedya na gumulantang sa mga netizens dahil sa p@mam@ril ng isang pulis sa kanyang kapit bahay na mag ina, sa harap pa mismo ng kanyang anak.


Kung saan makikita sa video ang hindi magandang inasal ng bata na anak ng nasabing pulis na ayon sa mga nakapanood ng video, ang anak pa mismo ng pulis ang siyang naging dahilan kung bakit tuluyan ng nagawa ng kanyang ama ang trahedya ng mag inang biktima.


Photos courtesy of  PNP Alfonso Lista