Vice Ganda, may dalawang hamon kay Pastor Quiboloy - The Daily Sentry


Vice Ganda, may dalawang hamon kay Pastor Quiboloy



Pinagsamang larawan galing sa msn.com at Politiko
Matapos ang controversial na pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy tungkol sa  lindol na kaya umano nitong patigilin kung gugustuhin niya ay pinutakte naman siya sa social social media.

Ayon kasi kay Quiboloy dapat ay magpasalamat ang taumbayan sakanya dahil pinahinto nito ang lindol.

“Pasalamat kayo sa akin, kung hindi ko pina-stop ‘yon, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo. Kaya pasalamat kayo ako nagpa-stop ng lindol. Hindi ko sinabi ‘to na walang witness ha, may witness marami,” sabi ni Quiboloy.

Dahil dito, hindi naman maiwasan ng sikat na komedyante na si Vice Ganda na hamunin ang naturang Pastor.
Larawan mula sa Philstar
Ayon kay Vice Ganda, kung kayang pahintuin ni Quiboly ang lindol, hinahamon nito na pahintuin din ang teleseryeng “Ang Probinsyano” ganun nadin ang malubhang trapik sa EDSA.

“Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol. 
Larawan mula sa mydramalist
"Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

"So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala! 

"Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun,” Ayon kay Vice.

****

Source: kami.com.ph