Motoristang binangga ng Jeep, naantig at naluha ng malaman ang malubhang karamdaman ng matandang driver - The Daily Sentry


Motoristang binangga ng Jeep, naantig at naluha ng malaman ang malubhang karamdaman ng matandang driver



Larawan kuha mula sa post ni Jake Villanueva

Kalimitan sa mga nasasangkot sa mga disgrasya ng mga sasakyan sa daan ay idinadaan sa init ng ulo ang usapan hanggang humantong sa pisikalan na nagpapalala sa sitwasyon.

Isang kabaligtaran na pangyayari ang ibinahagi ng isang motorista na si Jake Villanueva na nabundol ng isang pampasaherong Jeep na minamaneho ng isang matanda sa may Baclaran, Paranaque.

Ikinuwento niya ang buong pangyayari na habang binabaybay niya ang mataong daan sa Baclaran at papatawid na sa may crossing ay bumusina sa kanya ang isang Jeep na parehas niayng mabagal lang din ang takbo.


"NANGYARE TO NGAYON LANG SA BACLARAN HABANG UMUULAN KHT HINDI CROSSING NAKA MENOR LANG AKO DAHIL NGA UMUULAN BUKOD SA MADULAS YUNG DAAN E TUMATAMA SA MATA KO YUNG PATAK NG TUBIG KAYA DAHAN DAHAN LANG AKO DAHIL MATAO DIN KASI ARAW NG LINGGO," saad niya.

Larawan kuha mula sa post ni Jake Villanueva


"NUNG NASA GITNA NA KO NG CROSSING MAY BUMUSINANG JEEP PAREHO KAMING MABAGAL YUNG TAKBO NAGKATINGINAN PA KAMI AT PARANG SUMENYAS SI MANONG DRIVER NA WALANG PRENO," dagdag niya.

Hindi niya inakala na maaabutan siya at tuluyang mabangga ng Jeep dahil sa bagal lang ng takbo ay maaring makapagpreno pa ito.

Pag-amin din ni Villanueva sa totoo ay nagalit siya at sa isip-isip niya'y sinasadya ng matandang driver ng Jeep ang pag bangga sa kanya kaya kinompronta niya ang driver, at agad naman daw nitong inamin ang kanyang pagkakasala.


Habang pinag-uusapan nila ang nangyari ay nagsusumamo sa kaniya ang matanda na pag-usapan at ayusin nalang nila ang problema at wag nang tumawag pa ng Pulis.

"TAPOS NUN BUMABA SYA SABI NYA AYUSIN NALANG NATEN TO WAG KANA TUMAWAG NG PULIS,"

Larawan kuha mula sa post ni Jake Villanueva

Hanggang doon niya na nalaman at ikindurog ng kaniyang damdamin dahil ang matandang driver pala ay may malubhang sakit pala.

"MAY MALUBHANG SAKIT SI TATAY NAKITA KO NA MADILAW YUNG MATA NYA NAMAMANAS YUNG PAA AT MEJO MALAKI YUNG TYAN AT HINIHINGAL HABANG NAGSASALITA SYA HINIHINGAL," kwento niya.

Halos maluha si Villanueva habang kausap ang matanda kasi imbes na piliing magpagaling nalang sa lubhang didaramdam nito ay patuloy parin ang paghahanap-buhay.

Paliwanag din niyang nauunawaan niya ang nangyari marahil dahil nadin sa pamamanas ng paa ng matanda ay di na siya nakapag-preno agad at naging dahilan ng pagbunggo n jeep nito sa kanya.

Marami ang naantig sa kwento na ibinahagi ni Villanueva ay umani ito ng papuri at paghanga mula sa mga netizens.



Ito ang kaniyang buong pagkukwento: 


Larawan ng naging post ni Jake Villanueva

BUHAY NGA NAMAN SADYANG PUNO NG PAG SUBOK!

NANGYARE TO NGAYON LANG SA BACLARAN HABANG UMUULAN KHT HINDI CROSSING NAKA MENOR LANG AKO DAHIL NGA UMUULAN BUKOD SA MADULAS YUNG DAAN E TUMATAMA SA MATA KO YUNG PATAK NG TUBIG KAYA DAHAN DAHAN LANG AKO DAHIL MATAO DIN KASI ARAW NG LINGGO

NUNG NASA GITNA NA KO NG CROSSING MAY BUMUSINANG JEEP PAREHO KAMING MABAGAL YUNG TAKBO NAGKATINGINAN PA KAMI AT PARANG SUMENYAS SI MANONG DRIVER NA WALANG PRENO 

KUNG TUTUUSIN PALAMPAS NA KO KAYA AKALA KO DI NA KO AABUTIN KASI ALAM KO MAKAKA PRENO PA SI TATAY DAHIL NAPAKA BAGAL LANG TALAGA NG TAKBO NYA PERO HINDI PALA!

NAGALIT AKO KAY TATAY KASI KAYANG KAYA NYA NAMAN TALAGA IPRENO YUN DAHIL SOBRANG BAGAL TLGA AT ISA PA CROSSING . 

TUMATAKBO SA ISIP KO NA SINADYA NYA KAYA LUMAPIT AKO SA KANYA AT SINABI KUNG NAKITA MUNA KO E BAT DINIRETSO MO PA DIN HANGGANG SA INAMIN NA NI TATAY NA KASALANAN NYA 

TARA SA TABI PAG USAPAN NATEN PINICTURAN KO MUNA BAGO KAMI GUMILID TAPOS NUN BUMABA SYA SABI NYA AYUSIN NALANG NATEN TO WAG KANA TUMAWAG NG PULIS. 

DUN KO NALAMAN NA MAY MALUBHANG SAKIT SI TATAY NAKITA KO NA MADILAW YUNG MATA NYA NAMAMANAS YUNG PAA AT MEJO MALAKI YUNG TYAN AT HINIHINGAL HABANG NAGSASALITA SYA HINIHINGAL 

NADUROG AKO PAKIRAMDAM KO ANG DAMING UMAASA SA KANYA DAHIL SA KABILA NG KARAMDAMAN NYA E NAGAGAWA NYA PANG MAMASADA IMBES NA MAG PAGALING O MAG PAG HINGA NALANG SA BAHAY HALOS MALUHA AKO NUNG INAABUTAN AKO NI TATAY NG PERA ETO O TANGGAPIN MO NA 😪

SABI KO HINDI TAY WAG KA NA MAG ALALA OKAY LANG AKO PASENSYA LANG NAMAN PO HINIHINTAY KUNG SABIHIN MO HINDI NAMAN AKO NASAKTAN. 

SIGURO SA PAMAMANAS NG PAA NYA KAYA HINDI NA SYA NAKA PRENO KAYA NAUNAWAAN KO SI TATAY 😪👐

MAG IINGAT KA PALAGI TAY 👐

***

Source: Jake Villanueva

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!