Bea Alonzo rips into ex-boyfriend Gerald Anderson: "Sila Yung Dapat Mahiya." - The Daily Sentry


Bea Alonzo rips into ex-boyfriend Gerald Anderson: "Sila Yung Dapat Mahiya."



Bea Alonzo | Gerald Anderson | Photo credit to PEP 

Noong Nobyembre 24, 2019 sa episode ng ABS-CBN Sunday talk show na Gandang Gabi, Vice (GGV), dumalo bilang panauhin sa nasabing programa ang magkaibigang sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Kilala sa pagiging prangka ang host ng naturang show na si Vice Ganda at bilang mga kaibigan niya ang dalawa niyang panauhin na sila Bea at Angelica, pawang naging magaan na lamang sa tatlo ang naging panayam nila sa isa't-isa. 




Photo credit to Gandang Gabi Vice
Isa sa mga napag-usapan sa programa ay ang mga naging buhay pag-ibig ng dalawang magagandang guests na di naman lingid sa nakararami ay parehong galing sa hiwalayan nitong taon.

Kaya naman hindi maiwasang mabigyan diumano ng kulay ang naging pahayag ni Bea Alonzo na hindi siya kundi si Gerald Anderson ang dapat "mahiya" sa kontrobersyal nilang hiwalayan.

Ani Bea, "Isa siguro ako sa mga tao na hindi ko palagi sinasabi yung nararamdaman ko, but when you free yourself of that void, kahit papaano meron kang natutulungan."

"Kahit papaano meron din tutulong sa 'yo, merong magko-console sa 'yo, and it feels so much better na feeling mo hindi ka nag-iisa.", dagdag niya.

Nagkomento naman ang host ng show na si Vice Ganda at manaka ay sinabing kahanga-hanga ang dalawa niyang  panauhin dahil sa kabila ng mga pinag-daangan sakit sa puso, hindi daw ikinahiya ng mga ito na nagkamali sila at nadapa.




Photo credit to Gandang Gabi Vice

"Hindi ninyo ikinahiya na aminin na nadapa kayo."

"Di ba, yung ibang tao hindi aaminin na 'nadapa ako, nagkamali ako'?"

"Ang ipapakita lang nila yung maganda, yung strength lang. Pero yung weakness, tinatago."

"Pero kayong dalawa, open kayo at ina-acknowledge niyo na may weaknesses kayo.",
pahayag ni Vice.

Hindi din napigilang humirit ni Bea at pataray na nagsabing hindi dapat siya kundi ang ex-boyfriend ang mahiya sa nangyari.

"Tsaka na-realize ko, sila yung dapat mahiya, hindi kami.", sabi ni Bea.

Isa pang napag-usapan nung gabing iyon ay ang 'Ghosting issue' na naganap sa dating magkasintahan kung saan sinabi noon ni Bea na bigla na lamang hindi nagparamdam sa kanya si Gerald at biglang nawalang parang multo.

Hindi kaila sa publiko na naging trending topic ang 'ghosting' dahil sa pinakawalang salita ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang siyang hindi kinausap ng aktor.





Gerald Anderson and Bea Alonzo | Photo credit to ABS-CBN
Dahil doon nagbitiw si Vice ng isang maintrigang tanong at tinanong kay Bea kung may nag-multo ba dito noong Halloween.

"Kumusta Halloween? May nag-multo ba?", tanong ni Vice.

Matapang namang sumagot ang magandang aktres at sinabing "Wala na, Mami. Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon."

Napasigaw sa tuwa si Vice ng marinig ang sagot ni Bea at sinabing "Ay, gusto ko 'yan! Kasi nung Halloween talaga, natatakot ako para kay Bea. Kasi Halloween, 'Naku, matatakutin 'to sa multo! Baka makakita ng ghosts!'.

Photo credit to Gandang Gabi Vice 
Dito muling ipinahiwatig ni Bea na naka-move on na siya sa breakup nila ni Gerald at mariing sinabi na "Wala na. Liwanag na yung nakikita ko. Ang tagal kong nasa dilim, e."

Sa huli, nanindigan si Bea na hinding-hindi na siya makikipagbalikan kay Gerald at inamin ang napag-usapan nila ng kaibigang si Angelica na kung sakaling makipagbalikan siya kay Gerald ay ipapasunog niya kay Angge ang bahay niya.

"My god! Hindi talaga! Please! Sabi ko sa kanya, 'Papasunog ko bahay ko kung sakali! Ay!", ani Bea.

Hirit ni Angelica, "Makukulong ako ng arson kasi pinapasunog niya sa akin yung bahay niya. Sabi niya, 'Momsh, kapag binalikan ko, sunugin mo yung bahay ko. Sabi ko, 'Talaga, ha?'

Matatandaang unang naging mag-kasintahan sina Bea at Gerald noong 2010 pero ilang buwan lang nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa matinding pagtutol hindi lang ng fans nina Kim at Gerald kundi pati mismong ina ng kanyang nobyo.

Nagkabalikan sina Bea at Gerald matapos nilang magtambal sa pelikulang How To Be Yours na ipinalabas noong July 27, 2016.

At nitong July 26, 2019 nang aminin ni Bea ang katotohanan sa pagitan nila ng ex-boyfriend, "We did not break up. He just started not talking to me.", sabi niya.

Napabalita din na may kinalaman sa isyu ng hiwalayan nila ang Between Maybes leading lady ni Gerald na si Julia Barretto na mariin namang pinabulaanan ni Gerald.





Source: PEP Ph