Larawan mula sa abs-cbn news |
Kasalukuyang hinahanap ngayon ng pulisya ang UV Express driver na nagtangkang mambiktima ng babaeng pasahero sa Marikina.
Ayon sa babaeng biktima na si alyas "Gemma," dinala siya ng driver sa isang bakanteng kalya at gustong i-lock ang mga pinto ng sasakyan.
Kwento ni Gemma, noong una palang ay nagduda na ito sa driver dahil walang sign board ang gamit na sasakyan ng driver.
"Sabi niya, 'Hindi ma'am kasi papunta rin akong bayan, okay lang po, mamamalengke po yata kayo," kuwento niya.
Noong kasalukuyan na umanong nasa byahe ito, bigla umanong nag-iba ng daan si mamang driver at sinabi nitong dadaan lamang siya sa operator.
Larawan mula sa abs-cbn news |
"Lumabas siya tapos sa may likod ng driver's seat, binuksan niya, sabi niya, 'Ma'am may kukunin lang po ako diyan sa side mo,'" ani "Gemma."
Kaya naman agad na nagpumiglas si Gemma at mabilis na nakatakbo ito sa kamay ni mamang driver.
Kumbinsido naman ang Marikina police na delikado nga raw ang ginawa ng driver at halatang may gagawing hindi masama sa babaeng pasahero.
"I-encourage ko sana ang victim na magsadya dito... para maimbestigahan din po ang pangyayari," ani Lt. Ramil Soriano ng Marikina police.
"Siguradong may gagawing hindi maganda 'yon kasi nakita niyo naman bumaba 'yong babae," dagdag ni Soriano.
Payo naman Soriano na maging alisto at mapagmatyag kapag sasakay sa mga public utility vehicle, kung puwede pa nga raw eh ilista ang plaka ng sasakyan at i-text sa mga kaanak.
Larawan mula sa abs-cbn news |
Magsilbi sanang aral ito sa mga sumasakay sa mga public vehicle lalo na sa mga babae.
Maaaring hindi lamang ito sa lugar ng Marikina lalo na at hindi parin nahuhuli ang driver na nagtangka sa buhay ni Gemma.
Basahin ang reaksyon ng netizens sa ibaba:
Marylorraine Dialino Naku pag andiyan ka sa sitwasyon matataranta ka ang maiisip mo nalang tumakbo ng tumakbo
jaime jose tristan aureus wag nyo nang hulihin ppkainin p yan llban yan cgurdo ok lang yan salot nmn yan..my lead nmn kau baon nyo nlang kung saan.
Arnie Sarmiento me nasalubong siya dalawa motor bakit di siya sumigaw at humingi ng tulong..baka naman hindi nagkaayos sa presyo.hahahahah.baka lang ha.
****
Source: news.abs-cbn.com