Kilalanin ang pinakamatandang babae sa buong mundo na nanganak sa edad na 72 - The Daily Sentry


Kilalanin ang pinakamatandang babae sa buong mundo na nanganak sa edad na 72



Siya ang pinakamatandang babae sa buong mundo na nanganak sa edad na 72
Ang pagkakaroon ng isang anak ay isa sa mga pinakamagandang blessings sa lahat ng tao. Siguro, halos lahat naman ng kababaihan sa buong mundo ay nais maranasan ang pagiging nanay habang ang mga kalalakihan naman ay ang pagiging tatay. Ngunit, kaakibat ng pagiging isang magulang ay ang malaking responsibilidad na kanilang kailangan harapin.

Sa maniwala kayo at hindi, sang taga India na si ang nanganak sa edad na 72. Si Daljinder Kaur ngayon ang pinakamatandang babae na nanganak sa buong mundo.


Simula pa lamang ng sila ay magpakasal, nais na ng mag-asawa na magkaroon ng kanilang sariling anak, ngunit ito ay hindi naging madali para sa kanilang dalawa. Ngunit makalipas ang 46 taon ng paghihintay, ang kanilang hiling na magkaroon ng sariling anak ay natupad na. Ang mag-asawa ay sumailalim sa IVF o mas kilala sa tawag na 'In Vitro Fertilization', isang proseso kung saan ang isang sperm at egg cell ay nakuha at kapag ito ay pwede na, ito ay ilalagay sa uterus para makabuo ito ng isang sanggol.

Kahit na sila ay gumastos pa ng mahal para sa proseso, ang mag-asawa ay ginawa pa din ang kanilang makakaya at nag-ipon ng pera para sila ay magkaroon na din ng sariling anak. At makalipas ang dalawang taon na pagsasailalim sa proseso ng tatlong beses, sila ay nagpapasalamat at masayang masaya na makita ang kanilang baby boy.



 Ang pangalan ng kanilang anak ay Armaan at ito ay may timbang na nasa 3.9 lbs. Ngunit dahil sa matanda na ang babae, napilitan siyang tumigil sa pagpapa-breastfeed kay Armaan makalipas ang tatlong buwan.

Ayon sa kanya, si Armaan ay isang masayahain at charming na bata sa kabila ng pagiging underweight nito.


“I love him. He is a friendly child and smiles at everyone. This makes things very easy for me because I can be at ease when someone is around.

“I spend all day with him. We decided not to get any help. He loves his father a lot. He’s always in his arms if I’m busy cooking or doing housework.”

Source/s: Epoch Times, Practical Parenting