Pinay na nanloko sa kasintahang Amerikano, kinitil ang sariling buhay - The Daily Sentry


Pinay na nanloko sa kasintahang Amerikano, kinitil ang sariling buhay



Larawan mula sa Pinastify
Kamakailan lamang ay agad na kumalat sa mundo ng social media ang isang episode sa programa ng Raffy Tulfo in Action kung saan ay isang gwapong Amerikano na si RJ Russell ang niloko umano ng kanyang kinakasamang Pinay na si Adora.

Ayon sa kwento ni Russel, ang akala kasi nito ay ipinupundar ni Adora ng mga lupa at bahay ang mga perang ipinapadala nito sakanya ngunit kahit ni isang kusing ay walang maipakita si Adora sa dating kalaguyo.

Umabot sa P25 milyon ang kabuuang halaga na ipinadala ni Russel kay Adora kung kaya naman hindi nito matanggap na kahit ni isang ari-arian ay walang maipakita ang pinay.

Dahil dito, agad tinawagan ng pragrama ni Raffy ang inirereklamong si Adora ngunit hindi siya makausap dahil mahimbing umano ang kanyang tulog dahil sa ininom nitong gamot na pampatulog.
Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action
Ayon sa kano, madalas daw itong gawin ni Adora sa tuwing kokomprontahin siya ay umiinom na lamang ito ng gamot upang makatulog at makaiwas sa mga katanungan.

Dagdag pa ng kano na nagbanta raw umano si Adoro na kikitilin nito ang kanyang buhay at nagbigay pa ng eksaktong oras kung kelan nya ito gagawin 4:00 nga daw ng hapon nya ito gagawin.

Dahil sa ginagawang ito ni Adora, nagpasya si idol Raffy na sadyain na lamang ang pinay sa mismong bahay nito upang mapigilan ang plano ng pinay.


Hindi pa man nakakapunta ang staff ni idol Raffy sa bahay ni Adora ay kinumpirma na ng Wanted sa Radyo na itinuloy na ni Adora na bawiin ang kanyang sariling buhay bandang alas 4:00 ng madaling araw.

Ayon sa nakakalungkot balita, natagpuan umano si Adora sa kanilang palikuran na nakabitin.

Matapos ibalita ito ng kanilang kapitbahay sa barangay, ay agad namang pinuntahan ng mga otoridad at napag-alamang totoo nga ang nangyari.
Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action
Basahin ang komento ng mga netizens sa ibaba:

Jelltrish Torente Nakakalungkot pero sa ginawa niya andaming nadadamay..di na siya naawa sa mga bata..naiwanan ng kahihiyan at nawalan pa ng nanay..

Elham Maguindra Ndi ako naawa sa knya deserve nya un. Sa pinagagawa nyang kalukuhan dun ako naawa sa mga anak nyang naiwan kc Wla nmn un kinalaman sa pinagagawa nya.

MA RY RO SE lahat ng kasamaan my katapusan tlaga kya gumawa ng mabuti at wag manloko ng kapwa, blessed kana sana maraming babae ang hinahangad ang gaya ni rj pro kulang pa din pra sayu ang mga tinatamasa mo.

****

Source: Kami