Raffy Tulfo, nagsalita na tungkol sa gurong inireklamo; sinabing pagbabatiin ang dalawang kampo - The Daily Sentry


Raffy Tulfo, nagsalita na tungkol sa gurong inireklamo; sinabing pagbabatiin ang dalawang kampo




Nagsalita na si Raffy Tulfo sa mainit na issue tungkol sa isang gurong inireklamo. Kamakailan ay inikrelamo ng mag-inang Bañez ang gurong si Melita Limjuco dahil sa pagpapahiya umano sa kanilang anak sa eskwelahan.

Dahil  marami ang hindi sumang-ayon sa naging resulta ng episode ni Raffy Tulfo na papatanggalan ng trabaho ang nasabing guro, agad na nagbigay ng update si Tulfo tungkol sa susunod na mangyayari.


Sa Part 2 ng nasabing episode ngayong araw ay sinabi niyang pagbabatiin niya ang dalawang kampo sa Lunes.

Sinabi rin ni Raffy Tulfo na nakinig siya sa mga netizens kaya naman ay aayusin niya ito sa lalong madaling panahon.

Binanggit ni Raffy Tulfo na imbes na papatanggalan ng lisensya ang guro ay paghaharapn ang kampo ng mga Bañez at ang guro para mapag-aayos.

Narito ang video mula sa Raffy Tulfo in Action: