Tagasunod ni Ptr. Quiboloy, binanatan si Vice Ganda: "Isa kang plastik!" - The Daily Sentry


Tagasunod ni Ptr. Quiboloy, binanatan si Vice Ganda: "Isa kang plastik!"



From Left: Dennis Lazarte, Prt Apollo Quiboloy at Vice Ganda
Kamakailan ay laman ng balita si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa kanyang sinabi na siya ang dahilan ng pagpapahinto sa lindol sa Mindanao kaya dapat lang na siya ay pasalamatan.

Dahil dito, marami ang nag-react at isa na si Vice Ganda. Hinamon ni Vice si Ptr. Quiboloy na pahintuin ang seryeng "Ang Probinsyano" at ang problema sa traffic sa EDSA.

Ayon kay Vice:

"Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan. So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e."

"Napakayabang niyo pala! Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun! Iba ka Quiboloy!"


Tila hindi nagustuhan ng isang tagasunod ni Quiboloy ang mga pahayag ni Vice Ganda. Si Dennis R. Lazarte ay nagpost sa kanyang Facebook account ng kanyang hinaing tungkol sa ginawa ni Vice Ganda.

Ayon kay Dennis, dapat marunong rumespeto si Vice sa isang taong ginagalang at nirerespeto ng mga tao.

"Freedom of speech or expression does not include bullying and humiliating someone. Kahit gaano ka pa kasikat na komedyante, marunong ka sanang rumespeto lalo na sa isang taong minamahal at ginagalang naming lahat na tagasunod niya."

Tinawag ni Dennis sa plastik si Vice ganda dahil sa advocate daw ng anti-bullying si Vice pero siya ang numero unong nambubully.

"Diba, you are an advocate of anti-bullying, pero ikaw pala ang numero unong BULLY... hypocrisy at it's finest, PLASTIK!"


Paglilinaw ni Dennis, nirerespeto niya ang LGBTQ+ community kaya sana ay matutong rumespeto si Vice.

"We love and respect the members of the LGBTQ+ community including you. Sana naman matuto ka ring rumespeto sa kapwa mo. Use your influence responsibly, showbiz is not forever. I don't hate you, I just lost respect for you. I will pray for you, God bless you! #funnynomore," pagtatapos ni Dennis.

Source: Dennis Lazarte / Facebook