Taxi driver ibinalik ang wallet na puno ng pera sa kanyang pasahero - The Daily Sentry


Taxi driver ibinalik ang wallet na puno ng pera sa kanyang pasahero



Viral ngayon sa social media ang isang mabuting taxi driver na nagsauli ng wallet na may lamang maraming pera sa kanyang pasahero.
Arnnie Chandler Villota / Larawan mula sa kanyang Facebook account

Ayon sa post ng driver, inihatid niya ang pasahero sa isang hotel at pagkababa nito ay napansin niyang naiwan ang wallet ng pasahero.

Pinag-isipan pa raw mabuti ng driver kung isasauli nito ang wallet dahil kailangan rin niya ng pera.

Ngunit, nanaig ang konsensiya niya at ibinalik nito ang wallet sa may-ari at bilang pabuya, binigyan siya ng P2,000.

Basahin ang buong post ng taxi driver sa ibaba:

“Naghatid ako ng pasahero kanina sa Midas Hotel & Casino tapos napansin ko na naiwan niya ang kanyang wallet. Madaming laman na pera ito, hindi lang peso kundi pati dollar at yen.

May sumakay na pasahero sakin papuntang S & R Grocery pag kababa ko sa pasaherong iyon, pinagisipan ko mabuti kung isasauli ko ba yung wallet o hindi?

Nanaig pa din ang konsensya ko dun sa may ari ng wallet kaya kinabig ko ang manubela at bumalik sa hotel. Nakita ko agad yung may ari ng wallet na kausap na yung mga guardya sa labas.

Nung binusinahan ko siya tumalon siya sa tuwa at nag pasalamat ng marami. Pagkatapos ay binigyan niya ako ng pabuya na Php. 2,000. Nirecord na din ng mga guardya sa Midas Hotel na nag balik ako ng gamit. Ang aking taxi ay AHSAN Transport.

At least nalampasan ko ang isa sa matinding tukso ng araw na ito.”

Panoorin ang kanyang video:

First video: 


Second video:




***