Babaeng nag-aalaga lamang ng anak niregaluhan ng Iphone 11 Pro Max, viral sa social media - The Daily Sentry


Babaeng nag-aalaga lamang ng anak niregaluhan ng Iphone 11 Pro Max, viral sa social media



Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Christine Luarca kung saan binilihan siya ng kanyang asawa ng bagong Iphone 11 pro max.
Christine Luarca at kanyang asawa / Imahe mula sa kanyang Facebook account

Sa kanyang post, pabirong sinabi ni Luarca na nakaupo lamang siya sa kanilang bahay at inaalagaan ang kanilang anak kaya hindi niya inakala na bibilhan siya ng kanyang asawa ng mamahaling cellphone.

SOBRANG UNEXPECTED NITO 😍 NAKAUPO LANG AKO SA BAHAY NAGPAPADEDE NG ANAK NAMIN HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAA. MERRY CHRISTMAS!!!! SIGE NA ANAKAN MO NA KO ULIT HAHAHHAHAHAHAHAHAHA CHAROT.

Sa mga ibinahaging larawan ni Luarca, makikita ang usapan nilang mag-asawa sa Facebook post niyang “Iphone 11 pro max lang po. 
Imahe mula sa post ni Christine Luarca 

Tinanong ng lalaki kung anong kulay at kung ilang GB ang gusto ni Luarca. Binigyan din siya ng time limit na 30 minutes upang pumunta sa isang mall. 

Nagbiruan pa ang dalawa na ayon sa babae kung hindi totoo ang sinasabi ng kanyang asawa ay wala na umano siyang anak. Sinagot naman ito ng lalaki na kung totoo ang kanyang sinabi ay aanakan niyang muli ang kanyang asawa.
Imahe mula sa post ni Christine Luarca 
Imahe mula sa post ni Christine Luarca 

Sa huli ay umabot sa time limit na 30 minutes si Luarca kaya naman masayang masaya ito sa kanyang bagong cellphone.

Sa ngayon ay umabot na sa 6.4k reactions, 4.6k comments at 11k shares ang post ni Luarca.
 Imahe mula sa post ni Christine Luarca 
 Imahe mula sa post ni Christine Luarca 
Imahe mula sa post ni Christine Luarca 

Ang Iphone 11 Pro Max na 256GB ay nagkakahalaga ng P82,990 ayon sa website ng Apple.

Narito naman ang mga nakakatawang reaksiyon ng mga netizens:




***