Indonesian athlete's father passes away as he wins 2 golds in SEA Games - The Daily Sentry


Indonesian athlete's father passes away as he wins 2 golds in SEA Games



Matapos magtagumpay sa dalawang gintong medalya ng isang Indonesian sa 30th Southeast Asian (SEA) Games wushu competition, excited na si Edgar Xavier Marvelo na ipagdiwang ang kanyang panalo kasama ang kanyang pamilya.
Edgar Xavier Marvelo / Imahe mula sa Facebook page ng 2019 SEA Games

Ang hindi niya alam ay, habang ipinapakita niya ang kanyang galing sa competition ay pumanaw na ang kanyang ama.

"Winning the golds for men's Gunshu and Daoshu events of Wushu yesterday came as a bittersweet moment for Indonesian Edgar Xavier Marvelo," post ng 2019 SEA Games sa kanilang Facebook.

Inilihim raw muna ng mga teammates ni Marvelo ang nangyari sa kanyang ama hanggang sa matanggap nito ang kanyang awards upang makapagfocus siya sa kompetisyon. 

Napaiyak silang lahat matapos ang kanyang tagumpay.

"People in his team were in tears after his victory and those were not just tears of joy. Edgar's father died while he was competing in the event and he was only informed about if after winning the gold, bringing him to tears."

"He dedicates his gold medal to his country and to his father," dagdag ng 2019 SEA Games sa kanilang Facebook.


Sa kanyang Instagram account, nagpost si Marvelo ng kanyang larawan habang ibinabandera ang kanilang watawat.

"[Two] gold medals for papa," sabi nito sa caption.
Edgar Xavier Marvelo / Imahe mula sa kanyang IG account

Kasabay ng kanilang pagbati sa tagumpay ni Marvelo, ipinaabot rin ng mga netizens ang kanilang pakikiramay sa atleta.
 Imahe mula sa Facebook page ng 2019 SEA Games
 Imahe mula sa Facebook page ng 2019 SEA Games
Imahe mula sa Facebook page ng 2019 SEA Games


***