Masayang Kasalan, Nauwi sa Kalungkutan ng Pumanaw ang Bride habang Kinakasal - The Daily Sentry


Masayang Kasalan, Nauwi sa Kalungkutan ng Pumanaw ang Bride habang Kinakasal



Victor Banayo and Marjorie Calizar's wedding | Photo credit to May Ann Magnaye Mercado's Facebook

Noong Huwebes, Disyembre 26, 2019, nauwi sa kalungkutan ang masaya sanang kasalan ng walong taon ng magkasintahan na sina Victor Banayo at Marjorie Calizar ng Tiaong, Quezon ng pumanaw sa mismomg seremonya ng kasal nila si Marjorie.

Sadyang ikinalungkot ng pamilya, mga kaibigan at netizens ang balita matapos ibahagi ng pinsan ni Victor na si May Ann Magnaye Mercado ang balita at ipost ito sa kanyang Facebook account na umani ng maraming reaksyon at nag-viral sa social media.






Screenshot of May Ann Magnaye Mercado's post | Credit to her Facebook account
Ipinakita ni Mercado sa nasabing post ang mga larawan at videos ng kasalan kung saan makikita ang pagpanaw ni Marjorie na sadya diumanong napakasakit na pangyayari sa kanilang pamilya.

"Marjorie&Victor wedding

Ang pinakamasakit na kasal na nakita ko sa oras ng kanyang kasal tsaka nalagutan ng hininga
Sa halip na best wishes at congratulations ang sasabihin ng lahat napalitan ng condolence napakasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay

Condolence insan",
ani Mercado.

Victor Banayo and Marjorie Calizar's wedding | Photo credit to May Ann Magnaye Mercado's Facebook




Dahil sa matagal ng magkasintahan sina Victor at Marjorie, ay pangarap daw talaga diumano ng dalawa ang ikasal ngunit nagkaroon ng malubhang karamdaman si Marjorie. 


Bago ang araw ng kasal ay naospital si Marjorie, gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy nang dalawa ang nakaschedule na nilang kasal noong Disyembre 26.

Noong araw na iyon, hindi na raw kaya ni Marjorie na maglakad kaya mula sa pagamutan ay ginamit ni Marjorie na bridal car ang ambulance.

Victor Banayo and Marjorie Calizar's wedding | Photo credit to May Ann Magnaye Mercado's Facebook


Victor Banayo and Marjorie Calizar's wedding | Photo credit to May Ann Magnaye Mercado's Facebook
Sa simbahan ay naka-stretcher si Marjorie, base sa mga larawan at video na kuha ni Mercado.

Makikita din sa post ni Mercado na kumpleto na ang mga abay, ninong at ninang. Lahat ay masaya at excited. May mga nurse rin na naka-alalay kay Marjorie.

Ngunit wala pa diumano sa kalahati ang seremonya ng kasalan ay binawian ng buhay si Marjorie.







Victor Banayo and Marjorie Calizar's wedding | Photo credit to May Ann Magnaye Mercado's Facebook

Victor Banayo and Marjorie Calizar's wedding | Photo credit to May Ann Magnaye Mercado's Facebook
Dahil raw sa kagustuhan at pagnanais ng dalawa na matanggap ang sakramento ng kasal, itinuloy pa rin ng pari ang seremonya at idineklara pa rin silang mag-asawa.

At mula sa simbahan ay tumuloy ang mag-asawa sa punerarya sa halip na sa isang salu-salo.






Source: May Ann Magnaye Mercado, GMA News