Lalaki, itinaboy ang napakalakas na ipu-ipo gamit ang itak - The Daily Sentry


Lalaki, itinaboy ang napakalakas na ipu-ipo gamit ang itak




Kinagigiliwan ngayon sa social media ang isang lalaki na taga Calapan, Oriental Mindoro. Ito ay matapos makunan ng video ang kanyang ginagawa sa harap ng isang napakalakas na pwersa ng kalikasan: ang ipu-ipo o tornado, kung tawagin sa ingles.

Base sa video na in-upload ng netizen na nagngangalang Arnel Bunyi, mapapanuod ang isang lalaki na tila sinusubukang pigilan ang paglapit ng buhawi sa kanilang bahay. Ginawa nya ang animo ay pagpigil sa katakot-takot na hangin sa pamamagitan ng pagwawasiwas ng kanyang itak na para bang inaambaan ito para hindi na lumapit pa sa kanila. 

Maririnig din sa video ang iyakan ng ilan pang mga kasama ng lalaki dahil sa takot sa napakalaki at mapanirang ipu-ipo. Sa kabutihang palad ay hindi napadaan ang napakalaking ipu-ipo sa kanila. 

Panuorin dito:



Source: Arnel Bunyi