Michael V nanawagan na huwag na siyang bigyan ng kahit anumang regalo ngayong Pasko - The Daily Sentry


Michael V nanawagan na huwag na siyang bigyan ng kahit anumang regalo ngayong Pasko



Sa kanyang Instagram post, may paki-usap ang beteranong aktor/komedyante na si Michael V sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak ngayong pasko at sa nalalapit niyang kaarawan. 
Michael V / Image mula Philippine Star

Ayon kay Bitoy, kung may mag-reregalo man sa kanya ay sana huwag ng materyal na bagay. 

Ang gusto niya ay ipagdasal ang kanyang kalusugan, simpleng pagbati sa kanya at i-like, follow or subscribe sa kanyang mga social media account.

Narito ang kanyang buong post:

"It’s my birthday month!

Nagpapa-renovate kami ng bahay at habang naglilipat kami, napansin namin kung ga’no karami sa gamit namin ang hindi na namin ginagamit. Meron nga ring mga bago pa na hindi pa nagagamit ever.

Parang na-guilty ako. Na-realize ko na I have everything I need and everything I want AND MORE! So we decided to do something about it.

Una, ibibigay na lang namin sa charitable institutions ‘yung iba. Tapos ‘yung iba, sa friends and relatives. Nagsimula na kaming magkahon para magamit ng mas makikinabang.

Pangalawa, magre-request ako sa mga kaibigan, kamag-anak atsaka mga kakilala ko... baka pwedeng NO GIFTS THIS DECEMBER. I mean, no physical items.

Hindi sa ayaw kong makatanggap ng kahit ano this Christmas and birthday ko, pero kung magre-regalo kayo baka pwedeng any of the following na lang:

🙏🏼 A prayer for good health.
💬 A simple, sincere greeting.
❤️ A Like, Follow or Subscribe sa social media accounts ko.

Biruin mo, hindi ka na mahihirapan mag-isip ng ibibigay, siguradong maa-appreciate ko pa! It’s a win-win situation!

Happy Holidays everyone! Hope we all discover the true meaning of Christmas this year. 🎄❤️


***