Larawan mula kay Indab Emersam Sagayno Cobol |
Isa nanamang insidente ng pagnanakaw sa Manila, Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang inireklamo ng isang Overseas Filipino Worker (OFW), matapos siyang mawalan ng ilang mamahaling gamit.
Nito lamang December 3, 2019, viral sa Facebook ang post ng isang OFW na si Indab Emersam Sagayno Cobol, kung saan ay ibinahagi nito ang mga gamit niyang nawawala na nakapaloob sa kanyang bag.
Makikita ang mga gamit ni Indab sa mga larawan na ibinahagi niya na mayroong Laptop, gold necklace, gold pendant, cellphone at ilang piraso ng damit at bag.
Sa kanyang post, nagbanta si Indab na maghanda ang mga salarin na kumuha ng kanyang mga gamit dahil idudulog niya ito sa programa ng Raffy Tulfo in Action para sa mabilisang aksyon.
Susubukan din daw nito na i-check ang cctv baka sakaling makita sa camera kung sino-sino ang kumuha sa kanyang mga pinaghirapang gamit.
"Yan ang laman ng bag q na ninakaw sa naia airport manila khapon around 1am kng sino kmng hayop ka maka karma ka sana hndi madaling mgkapera dto sa saudi pra makbili lng ng mga kailangan ng mga mahal q sa buhay.. si Allah na bhala sau! pero wait kalang kay ipapatulfo kita hayop ka.. makita ko lang sa cctv magtago ka nalng otherwise kulungan magiging tirahan mo.." ayon sa post ni Indab
Larawan mula kay Indab Emersam Sagayno Cobol |
Larawan mula kay Indab Emersam Sagayno Cobol |
Larawan mula kay Indab Emersam Sagayno Cobol |
Larawan mula kay Indab Emersam Sagayno Cobol |
Larawan mula kay Indab Emersam Sagayno Cobol |
Larawan mula kay Indab Emersam Sagayno Cobol |
Nagpayo naman ang mga netizen na sana ay inilagay na lamang nito sa hand carry na bag ang mahahalang gamit para sana naiwasan ang ganitong pagnanakaw.
Ayon naman sa iba, sana ay agad makarating ito kay Raffy Tulfo para sa mabilisang aksyon sa kanyang reklamo.
Madami din ang nasasabing talamak talaga ang mga kawatan sa airport ng NAIA kung kaya dapat ay pagibayuhin ang pagiingat upang hindi matulad kay Indab.