Ninang pinagbayad ni Kumare sa binyag at sapilitang pinag-sponsor ng 5k na cake: "Seaman naman Asawa mo" - The Daily Sentry


Ninang pinagbayad ni Kumare sa binyag at sapilitang pinag-sponsor ng 5k na cake: "Seaman naman Asawa mo"



Larawan kuha mula sa post ni Angel Samarita Perez

Tradisyon na sa mga Pilipino ang pagpapabinyag ng mga magulang sa kanilang mga batang anak. Karamihan din ay kanila itong pinaghahandaan, magmula sa mga kukuhaning mga Ninang at mga Ninong, na silang tumatayo bilang pangalawang magulang sa kanilang mga inaanak, hanggang sa magiging gastos sa handaan pagdating sa isa sa pinaka-espesyal na araw, ang binyag.

Ngunit paano kung ang magiging kumare mo na sana ay hindi lang ang iyong pagiging Ninang sa kanyang anak ang gusto, kundi pati narin ang paghingi ng pabor sayo upang mag-parte at ambag sa mga gastusin sa binyag?


Tulad na lang ng naging kagulat-gulat na karanasan ng isang netizen na si Angel Samarita Perez kung saan ibinahagi niya kung paano siya pilit hingan ng bayad sa simbahan para sa binyag at pinag-sponsor ng 3 layer na cake at 24 piraso na cupcakes.

"Bakit parang kasalanan ko pa? 😅," saad ni Angel.

"PS.Di ho nangangawil ng pera asawa ko," dagdag niya.


Larawan kuha mula sa post ni Angel Samarita Perez


Sa mga larawang pinost ni Angel, makikita ang naging usapan nila sa messenger ng Nanay ng kanyang magiging inaanak.

Unang ng message sa kanya ang Kumare niya na "Marzz" kaya sinagot din ni Angel na kung bakit at sabay kamusta na rin sa kumare niya.

At dito na siya inimbitahan ng kumare niya na maging Ninang ng anak nito at hindi naman din niya tinanggihan ang alok sa kanya. Pero ikinagulat niya ang pagsingil sa kanya ng Php800.00, pambayad daw sa simbahan para sa gagawing binyag.


Humingi din ito ng pabor sa kanya na kung pwede siya na rin sumagot sa magiging cake at mga cupcakes na handa para sa binyag.

Larawan kuha mula sa post ni Angel Samarita Perez


"Kukunin ko bap. mo tsaka bayad na 800 a. Bayad sa simabahan un marz," saad ng Nanay ng bata.

"Pwde g ikw na smagot ng cake ni ening 3 lyer ng pondant tapos 24 ng cup ckes," dagdag niya.

"Plssss hello kity theme nya,"

Di naman maitago ang gulat ni Angel sa kaniyang sagot dahil sa pagpapa sponsor sa kaniya ng cakes na may Hello Kitty daw ang tema, lalo pa't marami pa din daw silang mga ibang bayarin.

"Ha? 3 layers? Seriously?," sagot ni Angel.

"Mga nasa 5k pag 3 layers marz e hehehe parang di ko kere at madami pa kaming bayadin." paliwanag niya.

Nanghingi naman ng pasensya si Angel sa hinihinging pabor ng kumare niya sa kanya dahil sa aminado siyang parang di niya kaya ang pinapasagot na gastos sa kanya.


"Naku mars sensya na a.Parang di ko kere kase madami pa kami bayadin ngayon tapos magpapasko pa.At katatapos lang din ng bday ni bb e 1 layer nga lang cake nun 3000 na hehe,"

Larawan kuha mula sa post ni Angel Samarita Perez


" Bawi na lang ako sa susunod pag super stable na kami,"

Ngunit nagiging mapilit parin si kumare sa kanyang pabor kasi alam niyang galante dati si Angel sa kanila noong sila'y mga nag-aaral pa at  nagtatrabaho pa sa barko ang asawa nito.

"Ngek anu ba nman syo ung 5k e nung high school nga nilibre mo kmi sa byan dti tpos seaman p aswa mo,"

Patuloy ang pagpupumilit ng kaibigan niya at nagbigay ng suhestiyon sa magiging Ninang ng anak na kukunin nalang niya ang perang pangpagawa ng cake at ang bayad para sa simabahan para narin daw hindi na abala pa kay Angel.

"Plsss marss ku2nin ko mmya ako n papgwa ng cake pra di na abala syo pti yung 800 na byad sa smbhan,"

Maayos padin na tinanggihan ni Angel ang pagpupumilit ng kumare niya dahil sa kakatapos lang din daw ng kaarawan ng anak niya at may mga binabayaran pa.

"Naku marzzz sorry pero di talaga kere e."

"Nakita mo naman siguro sa post na katatapos lang din ng bday ni
bb. Tsaka madami pa kami binabayadan,"

"Tsaka di naman porke seaman asawa ko mapera na agad,"

Agad namang nagdesisyon ang Nanay ng bata na ibang tao nalang ang kukunin niyang maging Ninang ng anak at baka may mahihita pa siya doon.


Hindi naman maitago ng mga netizen ang kanilang mga iba-ibang opinyon tungkol sa ibinahaging karanasan ni Angel bilang magiging Ninang na sana sa anak ng kaniyang dating kaibigan na ngayon ay tila apektado na dahil sa nangyari.

 ***

Source: Angel Samarita Perez

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!