Pang-iiskandalo at pagwawala ni Dr. Mendez, naglabasan: PICKUP LANG AKO, PULUBI DAW, at TIGA KANTO DAW AKO - The Daily Sentry


Pang-iiskandalo at pagwawala ni Dr. Mendez, naglabasan: PICKUP LANG AKO, PULUBI DAW, at TIGA KANTO DAW AKO



Dr. Tomas Mendez 

Naging mainit sa social media ang isang insidente na kinasasangkutan ng isang bastos at mayabang na Doktor na si Tomas Mendez kung saan walang habas niyang pinagmumura, sinisigawan at minamaliit ang isang driver pati ang kasama nitong pamilya sa loob ng sasakyan.

Iginiit ng kinikilalang Doktor na kaya niya lang nagawa ang lahat ng pamamahiya at paninindak doon sa driver ng L300 van ay dahil sa ginigitgit siya nito sa daan.

At dahil sa malaking eskandalong ginawa ng doktor, hindi lang pala ito ang unang beses na pagawa niya umani ng gulo sa kapwa motorista dahil nagsilabasan ang iba pang mga video nito ng pang-iiskandalo niya sa kalsada ng dahil lamang sa simpleng hindi napagbigyan ng daan.

Dr. Tomas Mendez 

Sa video na ibinahagi ni Pulo Eusebio na kuha ang pangyayari kung saan makikita si Mendez na nagsisigaw at dinuduro si Eusebio sa gitna ng daan.

Kwento ni Eusebio, napansin nila na may sasakyang humahabol at nagbubusina sa kanila at inakala nila na baka meron lang sasabihing posibleng nakitang sira sa kotse nila, ngunit ikinagulat nila ng pagbuksan nila nila ito ng bintana ay bigla silang sinalubong ng malulutong na mura at pambabato ng mga barya mula sa doktor at biglang karipas naman ito ng takbo pagkatapos.

Hanggang sa nagpang-abot ang dalawa at kinompronta nila si Mendez at iginiit niya na ginigitgit daw siya at di siya pinagbigayan.

Kaya dito na nagsimula ang doktor sa kanyang paninigaw at pamamaliit sa kapwa niya motorista.


Narito ang kanyang buong kwento: 

para po dun sa nagviral na nagpost na sinasabi ipost ko din yung video ko pra isahang reklamo na lang.kc di sya pinaniniwalaan.

eto po ung nangyari sakin same ng nangyari dun sa nagpost...hindi ko sure ilang months na nkakalipas. ndi ko alam paano makita pero prang mga 1yr na ata nakakalipas.. eto po.. medyo hindi rinig kung gaano sya kabastos pero eto un..


Larawan kuha mula sa post na video ni Pulo Eusebio

eto istorya para.marecord nyo na din at bakot nya nagawa yan..

may isang kotse n habol ng habol na nagbubusina sya tapos pagbukas ko bintana kc akala ko may sasabihin sya about sa kotse ko na may sira o may nakita sya na ano.. 

pagbukas ko ng bintana nagmumumura at nanghagis ng barya..asa harap passenger side ang asawa ko at buhat 1month old baby namin.. at asa likod ung panganay ko 2yrs old.. 

nanghagis sya ng barya narinig ko na lang tumama sa loob sa passenger side . buti di sa anak ko tumama.pero ung asawa ko nagulat na parang natakot na ewan para sa bata.. ng ginawa nya yun sabay takbo na sya palayo..

eh syempre papayag ba naman ako eh di hinabol ko malay ko ba ano hinagis nya kc sa una di ko alam kng ano ba un.. 

pagdating dyan sa v.mapa street ba yan ung sa may sta mesa.. naabutan ko kc stop na dyan.. pagbaba ko ng kotse bumaba din sya ayan na nangyari.. 

ang claim nya di ko daw sya pinagbigyan at ginitgit ko daw sya.. so ayan nagkasalitaan na at nagsisisigaw at nagmumumura na sya..

sinasabihan pako na naka PICKUP LANG AKO,PULUBI DAW, MAHIRAP, TIGA KANTO DAW AKo.hahaha eh di wow.hahaha ikaw na hahahahaha muntik ko na ngang patulan pero naisip ko baka kagaya sya ng kakilala ko na may sayad ang pagiisip kya nung dumating ang brgy chairman ba un at tanod. ako ang kinausap na umalis kc naghhisterical na sya dun.. nagwawawala na..haha

sa Curious ko ano ba tlg nagawa ko pinanood ko dashcam ko..

Nagsimula pala lahat sa Valenzuela Street dun sa sta mesa. pakaliwa kami sa v.mapa street.. ako asa kaliwang kaliwa sya asa gitna. so syempre asa kaliwang kaliwa ako. ako unang kakaliwa. un naman asa batas. o kahit man na hnd ako ang kumaliwa una mahihirapan sya kc asa kanto na ako at kakain sya ng dalawang lane makakaliwa lang kng sya ang mauuna at di ako unang pumasok.. 


Larawan kuha mula sa post na video ni Pulo Eusebio

so ganun na nga ang nangyari di ko daw sya pinagbigyan.. so after ko mapanood ang video.. dun ko na naintindihan na baka nga may problema lang to kya ganyan naging reaksyon nya na kahit mismo sa maliit na bagay eh nagwawawala na t nanghahagis na ng kung ano ano.. 

pero hindi ko akalain na nasa ugali nya na pala yan.hahahaha

***

Source: Pulo Eusebio

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!