Nagsalita na ang St. Lukes tungkol sa koneksyon nila ni Doctor Tomas Mendez |
Ayon sa opisyal na statement ng St. Lukes, si Tomas Mendez ay hindi konektado sa kahit anumang hospital ng St. Lukes Medical Center.
Naging trainee lang daw nila umano ito, eto ay ayon sa pahayag ng St. Lukes mula sa kanilang Facebook account.
“Upon checking our records, Dr. Mendez was a former ENT resident trainee and he was never a part of St. Luke’s roster of practicing physicians,” sabi ng SLMC.
“Recognized as the leading and most respected healthcare institution in the Philippines, St. Lukes will never condone this type of behavior,” dagdag ng SLMC.
Narito ang buong pahayag ng St. Lukes Medical Center:
Mula sa SLMC Facebook page |
Narito ang pahayag ng DOTr sa insidente:
ISANG PAALALA MULA SA DOTr
Sa mga panahon po na tayo ay biglang ma-involve sa isang traffic incident, huwag po sanang pairalin ang init ng ulo at umabot pa sa punto na tayo ay makikipagmurahan, manlalait, o mananakit ng ating kapwa.
Ang mapapanood nyo pong video ay isang halimbawa ng maling asal at gawain ng isang motorista.
Umabot na po sa kinauukulan ang insidenteng ito at sa kasalukuyan ay gumagawa na ng hakbang ang ating Land Transportation Office-Philippines (LTO) upang maipatawag at mahingan ng paliwanag si Dr. Tomas Mendez, ang road rage suspect.
Kami po ay nananawagan rin sa iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Professional Regulation Commission (PRC) at pati na rin sa Philippine Medical Association (PMA) na kung maari po ay aksyunan ang insidenteng ito bago pa lumala ang sitwasyon o problema.
Inuulit po namin ang paalala sa mga motorista na maging mahinahon at huwag daanin sa init ng ulo o sa antas ng pamumuhay kung sakaling masangkot sa isang traffic incident.
Hangad natin ay isang lipunan kung saan pantay-pantay tayong susunod sa mga alituntunin at batas trapiko, at iginagalang natin ang karapatan at dignidad ng bawat isa.