"Pasalamat kayo wala kayong kumare/kumpare na demanding", buwelta ng isang Ninang sa mga paratang na 'scripted' ang post niya - The Daily Sentry


"Pasalamat kayo wala kayong kumare/kumpare na demanding", buwelta ng isang Ninang sa mga paratang na 'scripted' ang post niya



Larawan kuha mula sa post ni Maria Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio

Di mapigilang mglabas ng kanyang nararamdaman si Maria Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio, isang netizen na nagbahagi kamakailan ng kanyang karanasan tungkol sa naging usapan nila ng kanyang kaibigan at Nanay ng kanyang inaanak na nag viral sa social media.

Sa kanyang naging post, marami ang mga nagsasabi na gawa-gawa lang niya,

at inimbento lang ang kunyaring kaniyang pakikipag-usap niya sa kanyang kumare sa chat para sumikat at mag trending.


"Pasalamat na nga lang kayo wala kayong kumare/kumpare na demanding," saad niya.

Iniisa-isa ni Maria Alysa ang kaniyang mga sagot at rason sa mga nag-aakusa sa kanya na scripted lang lahat ang kanyang mga naunang post tungkol sa pagiging demanding ng kanyang kumare sa paghingi ng pamasko para sa anak.

"Di ko ikayayaman yang sinasabi nyong pa-trending lang ako. Kasi unang una, may anak ako. Hindi ko uubusin oras ko para sa bagay na wala akong mapapala," pagpapaliwanag niya.

"Pangalawa, hindi ko papagurin sarili ko para gumawa ng dummy account at ichat ang sarili ko, hindi pa ako baliw,"

"Pangatlo, alam kong nasa Pilipinas ako at lahat ng bagay na pwedeng mapuna at masabi ng tao, matatanggap ko,"

Paliwanag din niya na kaya niya ibinahagi sa pamamagitan ng pag post niya sa social media ang naging usapan nila ng kumare niya para malaman ng iba na meron at totoo na may ganong mga napakademanding na mga Nanay ng kanilang mga inaanak.


"Pinost ko yun para mashare ko lang sainyo na OO, NAG EEXIST SILA,"

"Pero hindi ako tanga para gaguhin yung sarili ko at mag aksaya ng panahon para sa walang kwentang bagay! Bahala kayo mag isip,"

Ito ang kanyang buong post:

Pasalamat na nga lang kayo wala kayong kumare/kumpare na demanding. Di ko ikayayaman yang sinasabi nyong pa-trending lang ako. 

Kasi unang una, may anak ako. Hindi ko uubusin oras ko para sa bagay na wala akong mapapala. 

Pangalawa, hindi ko papagurin sarili ko para gumawa ng dummy account at ichat ang sarili ko, hindi pa ako baliw. 

Pangatlo, alam kong nasa Pilipinas ako at lahat ng bagay na pwedeng mapuna at masabi ng tao, matatanggap ko. 

So bakit ko gagawin yun? Para saan? Sa dami ng likes at share? Anong makukuha ko dyan? Kikita ba ako dyan? Hindi naman eh 😅 ewan ko ba sainyo. 

Ang dami dami nyong sinasabi sana maka experience din kayo ng ganyan. Dami dami kong problema, dumagdag na nga yung kumare ko, dumagdag pa kayo. 

Pinost ko yun para mashare ko lang sainyo na OO, NAG EEXIST SILA. Pero hindi ako tanga para gaguhin yung sarili ko at mag aksaya ng panahon para sa walang kwentang bagay! Bahala kayo mag isip.



Narito ang mga ibinahaging larawan ng pag-uusap ni Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio sa kanyang kaibigan at kumare:

Ito ang ibinahaging mga larawan ni Maria Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio


Ito ang ibinahaging mga larawan ni Maria Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio


Ito ang ibinahaging mga larawan ni Maria Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio


Ito ang ibinahaging mga larawan ni Maria Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio

***

Source: Maria Alysa Nuñez-Quierra Tiangco-Zamudio

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!