James Reid at Nadine Lustre hindi totoong break na - The Daily Sentry


James Reid at Nadine Lustre hindi totoong break na



Kinumpirma ng entertainment site na ‘PEP PH’ ang balitang hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre.
Christmas dinner with James' family

Hindi ikatutuwa ng fans ng dalawa ang balitang hiwalay na ang real-life lovers dahil sa “irreconcilable differences.”

Ayon sa isang article ng PEP, hindi raw lingid sa malalapit na kaibigan nina James at Nadine ang naganap na hiwalayan nila, na hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko.

Ayon sa isang malapit na tao kina James at Nadine, nag-alsa balutan at umalis na si Nadine sa bahay ni James sa Quezon City, na naging saksi sa kanilang pagmamahalan.

Noon pa man ay inamin na ni James na nagsasama na sila ni Nadine sa iisang bubong.
Nadine Lustre and James Reid / Imahe mula ABS-CBN

Hindi naman nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng avid fans ng JaDine ang isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil ngayong araw, January 1, 2020, may ilan nang nagtatanong kung totoo ang balitang nakarating sa kanila tungkol sa split-up nina James at Nadine.

Mapapansin ding walang posts sa kanilang mga social media accounts sina James at Nadine na magkasama sila nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Ang pinakahuling post ni James ng larawan kung saan kasama niya si Nadine ay noon pang Halloween 2019.

Samantala, hindi nagpatalo ang mga fans ni James at Nadine at tuluyang nagtrending sa Twitter ang #JaDine kung saan kinumpirmang magkasama ang dalawa noong pasko at bagong taon.

Narito ang ilang larawang ibinahagi ng mga netizens:
 December 25 Christmas Party

Christmas dinner with James' family

Saksi ang publiko sa matinding pagmamahalan nina Nadine at James, na inamin nila sa kanilang concert sa Smart Araneta Coliseum noong February 2016.


***
Source: PEP