Pokwang, may teorya kung bakit natalo si Gazini Ganados sa Miss U - The Daily Sentry


Pokwang, may teorya kung bakit natalo si Gazini Ganados sa Miss U





Patuloy ang komento ng mga netizen sa naganap na Miss Universe. Maging ang mga celebrity ay naghayag din ng kanilang opinyon tungkol dito.


Isa na dito ang Kapamilya artist na si Pokwang.

Sa katatapos lang na 68th Miss Universe, si Gazini Ganados ang naging kandidata ng Pilipinas. Dahil nalaglag ang naturang kandidata sa top 10, hindi maiwasan ng iba na magkaron ng spekulasyon kung saan nagkulang ang dalaga.

Ayon sa pabirong komento ni Pokwang, tila nagkaron ng kalituhan sa mga hurado dahil sa ginawa ni Ganados.

"Nalito ang mga hurado kasi ang pino-project niya, Phoenix walk, 'tapos naka-aguila siya na costume." paliwanag ni Powky.

"Dapat alam niya kung ano at sino siya ng araw na iyon! And I thank you," dagdag pa ng komedyante.


Source: PEP