Seaman, dismayado sa GF dahil nabuntis ng ibang lalaki habang nasa barko siya - The Daily Sentry


Seaman, dismayado sa GF dahil nabuntis ng ibang lalaki habang nasa barko siya



Larawan mula sa Facebook
Ang pagiging seaman ay hindi madaling trabaho, dahil maliban sa hirap ng trabaho, nandyan din ang malalaking makina na kailangan linisin, bukod pa doon ay kailangan din nilang tiisin ang lungkot na mawalay sa kani-kanilang pamilya, kaibigan o kasintahan.

Nandyan ang sakripisyong mawalay sa mga mahal sa buhay lalo na sa mga importanteng araw o okasyon at isama mo na din ang hirap ng sitwasyon na walang magaalaga sayo kapag may karamdaman ka.

Kung kaya naman madami sa mga seaman, lalong-lalo na sa mga kabataan na may kasintahan ay nabibilang sa tinatawag na "Long Distance Relationship" o LDR.

Kaya sa dalawang magkasintahan na magkalayo, hindi sapat ang salitang pagmamahal kundi tiwala ang isa sa mga pinaka-mahalagang kasangkapan na dapat isaalang-alang sa isang matibay na relasyon.


Ganunpaman, isang seaman na nagngangalang Kien Morales Cartagena ang nagbahagi sa social media ng kanyang malungkot na karanasan at pagkadismaya sa kanyang dating kasintahan.

Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi nito ang screenshot ng paguusap nila ng kanyang dating kasintahan kung saan ay ipinaalam ng babae na nabuntis siya ng ibang lalaki.

Mababasa din sa mensahe ng babae na nakikiusap ito kay Kien na kung puwede ay huwag nalang niya i-message ang lalaking nakabuntis sa kanya nang sa ganun at maisawan ang gulo.
Larwan mula kay Kien Morales Cartagena
Dahil sa nangyaring ito, talaga namang nasaktan si Kien sa ipinadalang mensahe ng dating kasintahan kung kaya naman nagpahag ito ng pagkadismaya sa social media.

"Just wow. Yung ganitong uri ng babae. Na habang ako'y nasa barko ka at umaasa naman pala sa wala. Habang pala nagtrabaho ako, siya naman nag patrabaho sa iba. Just wow. Petmalu ka girl. E tag sana kita kaso naka block na pala ako. hahaha Pero ok lang masaya kana eh sa mga panloloko mo sa akin. Kung nakipag-usap ka lang sana sa akin ng formal hindi na hahantong sa ganito kaso wala eh. Nakakabastos ka. Di mo alam ang nararamdaman ko habang di ka makausap, pero salamat. Sana wag pamarisan ang tulad mong babe. Wag kang mag alala. Wala ako time mag chat sa bf mo, sayang ang oras ko. Anyway goodluck sa buhay mo. Pinatunayan mo lang SEAMAN na talaga niloloko ngayon." ayon sa post ni Kien sa kanyang Facebook
Larwan mula kay Kien Morales Cartagena
Madaming netizens ang nakiramay sa pagdadalamhati ni Kien at yung iba naman ay nagbigay ng payo sa kanya.

Ayon kay Darell Refe, dapat ay magmove on na si Kien dahil mas mabuti na yung maagang nangyari ito dahil mas mahirap kung magasawa na sila at ginagastos pa sa ibang lalaki ang kanyang pinaghirapang pera.

Sabi naman ni Anivid Abing, hindi pa naman katapusan ng mundo at makakahanap din siya ng babaeng mas deserving sa kanya.


Inulan din ng batikos mula sa netizens ang ginawa ng kanyang dating kasintahan at kung ano-anong masasakit na salita ang natanggap nito.

Samantala, sa kabila ng panlolokong nagawa ng dating kasinthan ni Kien ay nagawa parin niyang ipagtanggol ito sa mga netizens.
Larwan mula kay Kien Morales Cartagena
Ayon kay Kien, matagal na daw na nangyari ito at parehas na silang naka-move on at mayroon na silang kanya-kanyang sariling buhay kaya naman nakiusap siya huwag na pagsabihan ng masasakit na salita ang dating kasintahan dahil tao lamang umano ito at nagkakamali din.

"Good day po mga Ma'am and sir. Kung pwde lang po wag na natin masyado pag sabihan ang babae ng masasakit na salita. Matagal na po yan hayaan nalang natin kung saan siya masaya. Parehas na kami may kanya-kanyang buhay at naka move on narin kami at naka-pagusap na. Tao lang din po yun nagkasala. tsaka hindi na masama ang Loob ko sa kanya. kaya kung pwde lang, stop sharing na po Diyos nalang bahala sa mga taong ganun. Thank you. and godbless🙏" ayon sa post ni Kien

****