Pinay OFW, Swerteng naka-Jackpot ng 166 Milyon sa isang Raffle Draw sa Abu Dhabi! - The Daily Sentry


Pinay OFW, Swerteng naka-Jackpot ng 166 Milyon sa isang Raffle Draw sa Abu Dhabi!



The Big Ticket host calls up an excited Anabelle Manalastas Dela Cruz | Photo credit to Facebook/ Big Ticket Abu Dhabi
Isang Pilipina na walong taon ng naninirahan at nagtatrabaho bilang nurse sa isang government hospital sa United Arab Emirates ay maswerteng naka-jackpot ng napakalaking halaga sa isang millionaire raffle draw sa Abu Dhabi noong Martes, Disyembre 3, 2019.

Si Anabelle Manalastas Dela Cruz ay ang masuwerteng may-ari ng nanalong tiket na napili sa live-streamed event ng Big Ticket, isang 'largest and longest-running monthly raffle draw' na nakabase sa England. Ang draw ay nagkakahalaga ng 12 milyong dirham o Php 166 milyon.






Photo credit to Facebook/ Big Ticket Abu Dhabi
Kwento ni Anabelle madalas na naka 'silent mode' ang kanyang telepono, ngunit noong gabi ng Disyembre 3, sa kabutihang palad, nagawa niyang sagutin ang host ng palabas na si Richard ng tawagan siya nito sa telepono. Ang pagkapanalo ni Anabelle ay mapapanood din sa Facebook page ng nasabing programa. 

Si Anabelle, 33 years old, single, ay magbabahagi ng kanyang premyo sa 14 na iba pang mga tao. Ang kanyang bahagi ng jackpot ay malapit sa Dh2 milyon o humigit kumulang na 27.8 milyong piso.

Sa isang pakikipanayam sa Gulf News, sinabi ni Anabelle na hindi pa niya iniisip sa ngayon ang gagawin niya sa perang napanalunan, pero sinigurado niyang plano na niyang bayaran ng kumpleto ang ni-loan na pera na ipinangpagawa niya ng bahay sa Pilipinas na nagkakahalaga ng 1.3 milyong piso, at ang ibang pera ay itatago niya muna sa bangko.

“I have a personal loan close to Dh100,000 which I took to invest in a house back home. I will repay this fully. The rest will be kept in the bank for now. I feel overwhelmed and blessed.” ani Anabelle.





Anabelle Manalasta Dela Cruz | Photo credit to the owner
Ayon din kay Anabelle nabili niya ang winning raffle ticket kasama ang lima hanggang anim na iba pang mga kaibigan. Sa ngayon ay hindi umano nila mapigil ang kasiyahang nadarama sa swerteng natamo at naniniwala silang ito ay isang himala at pagpapala mula sa Diyos dahil kwento ni Anabelle, kakatapos lamang niyang mag-rosaryo nung tumawag ang host ng programa.

“We cannot contain our happiness. Can you believe it, that I had just finished the rosary when Richard called about my win. It is a miracle, blessing from God. I thank God for answering my prayer.”, saad niya.

Dagdag pa niya na sa nakaraang apat na taon, palagi siyang bumibili na ng raffle tickets, at nagbabakasakaling isang araw ay swertehin. Kaya naman noong Nobyembre 29, siya, kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan, ay naghati-hati ng pera at bumili ng isang ticket. Ang ticket na naging dahilan kung bakit siya ay milyonarya na ngayon.

Ayon sa reports, ang kanyang nanalong numerong tiket ay 283702.

Kasalukuyang wala pa diumanong plano si Anabelle na bumalik sa Pilipinas at sinabing kahit isa na siyang milyonarya ngayon ay hindi pa rin titigil na magtrabaho.





Source: Inquirer