“Wais si ma’am” Absent na estudyante, itinuloy ang pagrereport sa telepono habang naka-loud speaker - The Daily Sentry


“Wais si ma’am” Absent na estudyante, itinuloy ang pagrereport sa telepono habang naka-loud speaker



Larawan mula kay Aries Abogado
Madalas sa mga estudyante ay mayroon tinatawag na pag-uulat sa paaralan kung saan ay ipinapaliwanag sa buong klase ang mga paksa na ibinigay saiyo ng iyong guro.

Isang nakakatuwang karanasan ng isang estudyante ang ibinahagi nito sa kanyang Facebook account matapos siyang mag-report sa kanilang paaralan sa pamamagitan ng pagtawag sakanya sa telepono.

Viral sa social media ang post ng isang working student na si Aries Abogado matapos niyang ibahagi ang kakaibang pagrereport niya sa kanilang klase.

Ayon kay Aries, absent siya sa araw ng kanyang schedule ng pagrereport sa kanilang klase dahil nagkataon na mayroon siyang work noong araw na iyon ngunit hindi nito inaasahan ang naging pasya ng kanyang guro.

Napagpasyahan kasi ni teacher Angie Alvarez na ipagpatuloy ang pagrereport ni Aries sa pamamagitan na pagtawag sa telepono habang naka-loud speaker ito.
Larawan mula kay Aries Abogado
“Hi po Ma’am.. The best ka.. ‘Di mo po ako pinalampas.” ayon sa post ni Aries

Nilinaw naman ni Aries sa kanyang post na hindi nito hinihikayat ang ibang estudyante na gawin din ang kanyang ginawa dahil nagkataon lamang umano ang kanyang pagliban.

“Disclaimer: Hindi po ako nanghihikayat na umabsent, nagkataon lang po na nagawan ng paraan para makapag-present pa din.” ayon kay Aries.

Ayon kasi kay Aries, isa siyang working student at nagkataon na may trabaho siya sa araw ng kanyang pagrereport sa klase kung kaya naman hindi siya nakapasok.


Inilarawan din ni Aries ang kanyang teacher na isang madiskarte dahil naisip nito na ipagpatuloy nito ang kanyang pagrereport kahit na absent siya upang hindi maging blangko ang kanyang marka.

Isang malaking tulong din umano ito kay Aries dahil imbes na wala siyang grado sa reporting dahil absent siya ay nakaisip parin ng paraan ang kanyang guro para magkaroon siya ng grado.
Larawan mula kay Aries Abogado
“A teacher who gives all the possible chances to a student.” ayon sa isang netizen.

Ayon naman sa isang netizen na si Gamutan, dapat ay pahalagahan ang mga ganitong klaseng guro dahil gumagawa siya ng paraan para lang magkaroon ng grade ang kanyang estudyante.

“Itreasure niyo ‘yung mga teachers na ganyan. Sila gumagawa ng paraan magka-grade lang ang estudyante nila.” 

“Tatakas ka pa sa report ha. Kung wala kang pamasahe, may load naman si ma’am. Hahaha” ayon pa sa isang netizen

“Isa lang ibig sabihin niyan, may pake si ma’am at ayaw ka niya bumagsak.” pabiro namang komento ng isang netizen

Ang post ni Aries ay nagviral at umabot na sa 28,000 na reaksyon at 24,000 na shares mula sa mga netizens.

****