Lalaking nang-insulto ng kanyang nirerecruit sa networking, Sinibak - The Daily Sentry


Lalaking nang-insulto ng kanyang nirerecruit sa networking, Sinibak



Agad sinibak ng multi-level company na Frontrow ang kanilang miyembro na si John Ric Nagaño Ong matapos kumalat sa social media ang ginawa nitong pang-iinsulto sa kanyang nirerecruit na tumangging sumali.

Sa inilabas na public notice ng Frontrow, isinasaad na si John Ric Nagaño Ong ay opisyal nang hindi kasapi at wala nang koneksyon sa Frontrow.

Matatandaang nagviral si Ong nang magbitaw ito ng hindi magagandang salita laban sa isang potential client na nauna nang tumanggi sa kanyang alok.

Ang Frontrow ay isang respitadong multi-level marketing company. Ilan sa mga kilalang personalidad katulad ni Vice Ganda at Willie Revillame ay konektado sa kompanya. Kilala rin ang Frontrow sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.


***