Netizen, di alam na Ninang siya dahil di naman imbitado sa binyag, pero pilit hingan ng pakimkim at regalo ni Kumare - The Daily Sentry


Netizen, di alam na Ninang siya dahil di naman imbitado sa binyag, pero pilit hingan ng pakimkim at regalo ni Kumare



Larawan kuha mula sa post ni Andrea Rhea Javier

Patuloy na nagsusulputang parang mga kabute ang mga kwento na ibinabahagi sa social media tungkol sa mga Kumare at Kumpare na sobrang demanding sa mga hinihinging regalo sa mga Ninang at Ninong ng kanilang mga anak.

Karamihan dito ay humantong sa di pagkakaunawaan hanggang sa masira ang dati'y pagkakaibigan at magandang relasyon.

Tulad ng naging experience ni Andrea Rhea Javier, isang Ninang na ibinahagi ang pangungulit at pamimilit ng Nanay ng kanyang inaanak na magbigay na siya ng kanyang pang regalong cash para sa anak.


Di mapigilan ni Andrea ang maglabas ng kanyang nararamdaman dahil sa pamimilit ng kumare niya, ni hindi nga daw niya alam na naging Ninang siya ng anak nito.

"Bininyagan yung anak mo na hindi moko sinabihan, ni imbitahin ako hindi mo ginawa tapos nagulat nalang ako nung sinabi mo na "ninang" ako ng anak mo pero tapos na binyagan," saad niya.

Dagdag niya na kahit huli na ng nalaman niyang Ninang pala siya at kahit pa hindi siya imbitado sa binyag ay hiningan pa din daw siya ng pakimkim ng kumare niya.

"Hiningian moko pakimkim kahit tapos na binyagan kaya kahit panigar!lyo ko nalang pinadala ko pa sayo tru smart padala tapos tapos gaganituhin moko?," dagdag ni Andrea

Sa mga kalakip na mga larawan ng kanilang usapan sa chat, makikita ang pagpupumilit at pagiging agresibo ng kumare ni Andrea sa paghingi ng regalo para sa anak.

Hindi naman nakaligtas sa panunuligsa mula sa mga netizen ang naging asal at pakikitungo ng Nanay ng inaanak ni Andrea:

Kapal ng pes ni mare hahaha naloka ako sa pagiging demanding nyan ma ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ kawawang bata dnadamay p ng nanay sa kalokohan -  Alyssa Laurente 

Pera pera lng pla mging ninang s knya -  Yolanda Domagas

Ang titibay eh nuh? Pag nalaman tlga nila na may knkita ka, akala nila milyonaryo kana.  -  Lan Larita 


San humuhugot ng kapal ng muka yan๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ - Camille Oay Ad 

Narito ang buong kwento:

Bininyagan yung anak mo na hindi moko sinabihan ni imbitahin ako hindi mo ginawa tapos nagulat nalang ako nung sinabi mo na "ninang" ako ng anak mo pero tapos na binyagan.๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… 

Pumayag nalang ako chempre naging buyer kita e at malapit ka lang samin. 

Hiningian moko pakimkim kahit tapos na binyagan kaya kahit panigarilyo ko nalang pinadala ko pa sayo tru smart padala tapos tapos gaganituhin moko? ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ 

Mare alam ko mababasa mo to iblock o iunfriend muna ko habang nililingon ko pa pinagsamahan natin kase pag ako sinapian ng pagiging dimonyo itatag kita.๐Ÿ˜‚✌ 

Maldita lang ako Mare pero hindi masama ugali ko dahil kung masama ugali ko baka sa una pa lang na pang gagarapal mo saken bininggo na kita.๐Ÿ‘Š❤


Ang mga sumusunod ay mga larawan ng naging palitan nila ng mensahe sa chat:

Larawan kuha mula sa post ni Andrea

Larawan kuha mula sa post ni Andrea


Larawan kuha mula sa post ni Andrea

Larawan kuha mula sa post ni Andrea

Larawan kuha mula sa post ni Andrea


Larawan kuha mula sa post ni Andrea

Larawan kuha mula sa post ni Andrea
***

Source: Andrea Rhea Javier

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!