Jeepney driver hindi tinanggap ang pamasahe ng isang vendor: "Sayo na yan" - The Daily Sentry


Jeepney driver hindi tinanggap ang pamasahe ng isang vendor: "Sayo na yan"



Trending sa Twitter ang post ng netizen na si Anne Charisse tungkol sa isang jeepney driver na nilibre na ang pamasahe ng isang vendor.
Imahe mula kay Anne Charisse

Kwento ni Anne, nagbayad na umano ang vendor na nakasabit at kung titignan ang larawan ay makikitang nagbebenta ito ng tubig.

Nang umabot sa jeepney driver ang pamasahe ng vendor ay sinauli ito, dahilan para magtaka ang vendor.

Hindi ko to tatanggapin,” saad ng driver sa Bisaya.

Bakit binalik?” tanong naman ng vendor.

Alam ko mahirap ‘yung trabaho mo. Maliit lang din ang kita. Sayo na yan,” tugon ng tsuper.
Imahe mula kay Anne Charisse

Sa ngayon ay umabot na sa 18.5k likes at 6.4k shares ang nasabing tweet.

Narito ang buong post ni Anne:


***
Source: 
Anne Charisse | Twitter