Iskolar na Anak ng 4Ps beneficiary taos pusong nagpasasalamat sa 'pera' ng taong bayan: "We owe the tax payers" - The Daily Sentry


Iskolar na Anak ng 4Ps beneficiary taos pusong nagpasasalamat sa 'pera' ng taong bayan: "We owe the tax payers"



Larawan kuha mula sa post ni Jericho Ramos Baguistan

Mainit na pinag-dedebatihan ngayon ang usapin tungkol sa pagkakapantay-pantay na pag-aabot at pagtanggap ng mga tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Sa usaping ito, mas nadidiin ang mga 4Ps beneficiaries (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) dahil sila ang nakita ng pamahalaan na mas nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP) ngayong lahat ng posibleng pagkakakitaan at panghanapbuhay ay apektado.

Nag viral ngayon sa social media ang isang post ng isang anak ng isang 4Ps beneficiary kung saan nagbigay siya ng kanyang paliwanag at opinyon upang magsilbing inspirasyon sa patuloy na pambabatikos ng iba sa kanila, dahil sa umaasa nalang umano sa tulong at ayuda ng gobyerno at hindi na nagbabanat ng buto para sa ikaaangat at ikabubuhay nila.


Tunay na ipinagpapasalamat ni Jericho Ramos Baguistan, isang iskolar sa isang unibersidad ang tulong benepisyong natatanggap ng kanyang mga magulang mula sa gobyerno dahil malaking tulong ito sa kanilang pag-aaral na magkakapatid at sa iba pa nilang pangangailangan sa araw-araw.

"We owe the tax payers, sa pera ng taong bayan, and to the government who spend a lot of funds para sa mga mahihirap," saad niya.

"The financial assistance coming from the government is really a big help for our studies and some of our necessities," dagdag ni Jericho.

Paliwanag ni Jericho na kahit pa may natatanggap ang pamilya nila ng buwanang tulong ay hindi tumigil ang magulang nila sa pagtatrabaho. Ang Tatay niya ay isang tricycle driver, construction worker at nagsasaka sa bukid. Kumikita rin ang ang kanyang Nanay sa pagtitinda sa palengke, nagtatanim at nagagapas ng palay at sibuyas at kasalukuyang namamasukan bilang kasambahay.

"In spite of the help we get, my parents never stopped working,"

"We are a poor family, sapat para makasurvive sa pang-araw-araw. So wala kaming choice kundi gumawa ng daan para sa oportunidad na makaahon kami sa kahirapan, kasi kung hindi kami ang gagawa, wala kaming aasahan, lalo kaming malulugmok,"

"Wala kaming tinatagong yaman, ginto, pilak, o malaking salapi sa loob ng aming tahanan, payak ang aming pamumuhay. Edukasyon ang tangi naming yaman na hindi mananakaw nino man," - Jericho Ramos Baguistan
Habang sila namang magkakapatid ay nagsisikap sa pag-aaral upang mapanatili ang kanilang pagiging iskolar sa pinapasukang paaralan. Ayun pa kay Jericho lahat ng scholarship program mula sa paaralan, Mayor at Congressman ay kanilang napagtatagumpayan. Pinagsasabay rin nila sa pag-aaral ang pagtatrabaho sa Special Program for the Employment of Students (SPES).


"We've been a member for how many years now. And never did the money was used by my mother to get some hair treatment or ibili ng luho. Laging para sa pag-aaral and necessary needs namin," saad niya.

"The help coming from the government isn't just being spent for nothing,"

Ngunit aminado rin si Jericho na karamihan sa mga 4Ps beneficiaries na imbes makagaan sa kahirapan ay naging negatibo pa ang dulot ng tulong ng pamahalaan sa mga mahihirap.

"But it is a bit sad how.... hindi lahat ng miyembro ng 4Ps but mostly ay hindi makapag-antay sa tulong na mula sa gobyerno, ang iba isinasanla pa ang cash card para lang ipangutang,"

"Ang iba nagpaparebond, hulog sa homecredit, and some even have the guts para bumili ng alak at sigarilyo rather than spending the money for their family's necessities."

"At ilan nga sa mga miyembro ay umaasa na lamang sa tulong na buwan-buwan tinatanggap at nananatiling walang trabaho. (Based on what I've observed and I am just being real here, ayokong magpakahipokrito),"

Nagbigay si Jericho ng isang magandang paalala at inspirasyon sa mga ibang tumatanggap ng tulong sa gobyerno na huwag hintayin at iasa ang lahat sa tulong ng ibang tao, bagkus ay sila rin dapat sa sarili nila ang gumawa ng paraan upang mapabuti ang kanilang pamumuhay.

"Hindi kasalanan ang pagiging mahirap and poverty isn't a choice... but it is your choice if you'll stay poor for the rest of your life,"

"We should maximise our resources, we are facing a crisis here y'all. Lalo pa sa maraming pamilya ngayon na sa ayuda lang naman ng gobyerno umaasa. We should know our priorities."



Narito ang kaniyang buong salaysay:

Ang trending ng issues about 4Ps members ngayon. Soooo.... Here's my family mga kabayan.

This is not to brag or boast but I feel like it is the time to share this. May this serve as an inspiration. Take time to read medyo mahaba but I hope you get something from it.


"Sa kabila ng kahirapan at krisis na kinahaharap patuloy kaming sama-samang maglilingkod sa Diyos hanggang sa wakas ng aming mga buhay," - Jericho Ramos Baguistan
This is also for the members of 4Ps or other people getting some help from the government, at sa mga mahihirap na tulad namin. I read a post about sa ayudang ibinibigay ng gobyerno para sa mga mahihirap nating kababayan, some posted and questioning bakit ang unfair? 

It is just making those people lazier dahil puro pasarap buhay, naghihintay na lamang ng tulong, at nananatiling walang trabaho at hindi matututong magbanat ng buto.



My family is a beneficiary of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, hindi kami mayaman, so the financial assistance coming from the government is really a big help for our studies and some of our necessities. The help coming from the government isn't just being spent for nothing.


Our little home sweet home | Jericho Ramos Baguistan

In spite of the help we get, my parents never stopped working. Tatay ko ay dating tricycle driver, nagconstruction sa Manila, at ngayon nakikisaka sa bukid. Porsyentuhan lamang, may may-ari ng lupa at ilang percent lang ng ani ang para sa amin. Technically ang kita sa pagsasaka ay hindi monthly but every cropping season. So ang tendency kapag may kailangan lalo na kapag magpapasukan na, mangungutang, then mababayaran lang after ng anihan. 

Ang Nanay on the other hand is a parent leader, and walang another sweldo para sa mga paper works at pagdalaw sa ibang members na madalas nilang ginagawa. We've been a member for how many years now. And never did the money was used by my mother to get some hair treatment or ibili ng luho. Laging para sa pag-aaral and necessary needs namin. 

In fact, my mother have done so many works, naging tindera sa palengke, nagtanim at naggapas ng palay, nag-sibuyas atbp, at ngayon namamasukan bilang kasambahay ang Nanay ko para matulungan ang Tatay at Kuya dahil dalawa pa kaming nag-aaral ng bunso kong kapatid. Tapos given the fact that hindi mataas ang presyo ng palay, mahirap kumita ng pera pero mataas ang cost of living...mahirap maging mahirap.


Baka sabihin ng ibang mga kakilala, "Eh galing kayong private school ah?". To tell you, If I and my siblings weren't able to get scholarships hindi naman kami kayang pag-aralin sa private school ng mga magulang namin, we strived to get high grades. We were given full scholarsips, kaming tatlong magkakapatid sa buong taon ng High School namin. Bukod sa tulong ng eskuwelahan, lahat in-apply-an namin, 

scholarship ng congressman, mayor, we worked in SPES, we strived to be a scholar sa University... that's what our parents taught us, how we should value education. 

Ngayon si Kuya ko graduate na, may desenteng trabaho at may propesyunal na lisensya. As for me, I am currently studying at Central Luzon State University, free tuition fee, proud scholar!

We owe the tax payers, sa pera ng taong bayan, and to the government who spend a lot of funds para sa mga mahihirap. We are a poor family, sapat para makasurvive sa pang-araw-araw. So wala kaming choice kundi gumawa ng daan para sa oportunidad na makaahon kami sa kahirapan, kasi kung hindi kami ang gagawa, wala kaming aasahan, lalo kaming malulugmok.

But it is a bit sad how.... hindi lahat ng miyembro ng 4Ps but mostly ay hindi makapag-antay sa tulong na mula sa gobyerno, ang iba isinasanla pa ang cash card para lang ipangutang (this is against the aggreement of being a member). Ang iba nagpaparebond, hulog sa homecredit, and some even have the guts para bumili ng alak at sigarilyo rather than spending the money for their family's necessities. At ilan nga sa mga miyembro ay umaasa na lamang 

Sa tulong na buwan-buwan tinatanggap at nananatiling walang trabaho. (Based on what I've observed and I am just being real here, ayokong magpakahipokrito).

Gumawa tayo ng paraan at huwag hintayin na lamang at umasa sa tulong ng ibang tao. Let us change for the better, WE SHOULD BE THE ONE MAKING OUR LIVES BETTER. Afterall, wala tayong ibang aasahan, at walang ibang may responsibilidad sa buhay natin kundi ang ating mga sarili. Malayo pa kami sa pangarap naming maginhawang buhay, pero hindi namin i-aasa ang kinabukasan at kahihinatnan ng buhay namin sa ibang tao.


Hindi kasalanan ang pagiging mahirap and poverty isn't a choice... but it is your choice if you'll stay poor for the rest of your life.

Ps. We should maximise our resources, we are facing a crisis here y'all. Lalo pa sa maraming pamilya ngayon na sa ayuda lang naman ng gobyerno umaasa. We should know our priorities, kapag naubos ang ayuda ng gobyerno, hindi ang C0VID-19 ang papat*y sa atin kung hindi ang gutom. As for now, surviving this crisis is our only choice.

#ProudAnakngMagsasaka
#ProudIskolarngBayan

Kami ay mahirap ngunit mayaman na lalong higit sa pananampalataya.

Spread hope, love, and positivity mga kapatid!

***

Source: Jericho Ramos Baguistan

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!