Ivana Alawi, nagpasalamat kay Tulfo matapos makatulong na maaresto ang BF ng kapatid - The Daily Sentry


Ivana Alawi, nagpasalamat kay Tulfo matapos makatulong na maaresto ang BF ng kapatid




Abut-abot ang pasasalamat ni Ivana Alawi kay Raffy Tulfo kasunod ng pagkakaaresto sa boyfriend ng kanyang kapatid.

Inaresto ng mga kapulisan ang nobyo ng kapatid ni Ivana na si Almira Alawi.


Sa programang Raffy Tulfo in Action, ipinakita ni Tulfo ang warrant of arrest laban sa FM station owner na si Willie Asuncion. Ang nangyaring pag-aresto ay kaugnay ng estafa case laban kay Asuncion.

Nagkakahalaga umano ng P30M ang atraso ng nasabing lalaki sa isang German national.

Nagbigay-daan ang radio host sa pagkakahuli sa suspek matapos idulog ng nanay ng magkapatid na Alawi ang pang-aabuso umano ni Asuncion psychologically kay Almira.

Inakusahan din umano ng naturang ina ang FM station owner na hindi nagbibigay ng suporta sa anak nila ni Almira.

Nagpaabot ng pasasalamat si Ivana kay Tulfo nang tumawag ito sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action kamakailan lamang.

Source: KAMI